Advertisers
Isinumite na ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang pang-anim na batch ng mga ebidensiya sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay parte ng pre-trial proceedings sa kaso ng dating Pangulo may kaugnayan sa umano’y mga pagpatay sa ilalim ng madugong war on drugs ng kaniyang administrasyon.
Nasa kabuuang 267 items na ang naisumite ng prosekusyon mula ng simulan ang disclosure of evidence noong Abril 30 at dalawang beses na ring hiniling ng mga ito ang pagpapalawig sa itinakdang pagsusumite ng nasabing mga dokumento na inaprubahan naman ng ICC.
Layunin ng extension na ito na mabigyan ng pagkakataon ang prosekusyon na mai-apply ang standard redactions sa ilang mga materyales para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga testigo at matiyak ang kanilang kaligtasan.
Lahat naman ng mga materyales na isinumite ay magiging parte ng ebidensiya na gagamitin ng prosekusyon sa pagdinig ng kumpirmasyon ng kaso ng dating Pangulo na nakatakdang isagawa sa Setyembre 23, ng kasalukuyang taon.
Sa nakatakdang pagdinig, tutukuyin kung may sapat na ebidensiya para ipagpatuloy ang trial at kung sakali man na kumpirmahin ang mga kaso laban sa dating Pangulo, mahaharap si Duterte sa full trial sa ICC.
Maluwag na tinanggap hindi lamang ni Tatay Digong kundi ng kanyang buong pamilya ang dumatal na pagsubok at matapang na inihanda ang sarili sa ano mang loobin ng Panginoon Diyos sa hinaharap.
Ang 80- anyos na dating Pangulo ay itinalaga na ang kanyang kapalaran sa loob ng piitan alalang- alang sa kanyang mga minamahal na kababayan.
Patuloy na naninindigan at lumalaban para sa Inang Bayang Pilipinas.
We love you Tatay Digong!
Bukas at mulat na ang mata ng bawat mamamayang PILIPINO na nananalangin sa iyong pagbabalik ng bansa sa lalong madaling panahon.
God Bless You!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com