Advertisers
Ayon kay Tata Selo ay malamang point guard sa basketball noon si Chiz Escudeto, ang pangulo ng Senado.
Mangyari eka ni Tatang ay mahilig sa pagdribol ng bola. Puro dribbling kasi ginawa sa sinampa ng Mababang Kapulungan na impeachment na kaso.
Una, hindi na kinilala sa plenaryo ang pagdating sa Mataas na Kapulungan. Halos patapos na sesyon noon at pagkatapos na raw ng halalan tatalakayin. Freeze the ball strategy.
Inihayag na sa ika-2 Hunyo na raw uumpisahan ang proseso. Kaso ngayon inurong pa petsa ng pagsisimula. Dribble na naman.
Ang siste gagawin daw sa Ika-11 ng buwang kasalukuyan. Tapos kinabukasan walang pasok dahil Araw ng Kalayaan. Sa ika-13 naman sked na ng adjournment ng buong Kongreso. Dami pa tuloy na isyung teknikal na inilabas.
Ang galing magpatalbog ng bola. Ang gusto pala talaga ay patayin o idelay nang husto ang pagdinig ng kaso ni Sara D. Eh seryoso mga akusasyon ng HOR.
Pero may game at shot clock na. Hindi maaari panay dribol na walang katapusan.
Matatawagan ka ng violation.
Kaya yung tinatawag na keso sa Senado ay ipasa o irina mo na ang bola.
Abang na abang na ang taong-bayan.
Handang-handa na rin ang media na ihatid sa bayan ang coverage.
***
Ang isa sa mga coach ng triathlon national team na si Doray Ellis ay inaming 31 años na siya nang magsimula sa sport nila.
Yan ang kanyang kwento nang makapanayam natin siya sa OKS@DWBL noong isang Lunes.
Ngayon naman dahil may edad na siya kahit hindi halata ay hirap na siya na sabayan ang mga atleta ng pambansang koponan.
Ang mahilig din sa triathlon na naging espesyal na bisita sa OKS ay ang beauty queen na si Alexander Faith Garcia. Si Faith na 2021 Ms Aura International ay sumasali sa mga paligsahan tulad ng itinataguyod ng Century Tuna.
Pareho sina Doray at Faith na seksing seksi dahil alagang-alaga nila ang mga katawan.
***
Unang umiskor ang Pacers sa NBA Finals. Dinaig nina Tyrese Haliburton sa Game 1 ng kanilang serye ng Thunder.
Comeback kids talaga ang mga taga-Indiana at si Tyrese kanilang clutch player.
Yung huling tira ni Haliburton na may .3 second ang first lead at nagpanalo kina Coach Rick Carlise ibang klase kayo.
Nabalewala ang homecourt advantage ng OKC at mukhang hanggang dulo ng ganito ang gagawin ng Pacers. 8-1 na sila sa tight games. Naabutan nila katapat sa huling mga minuto Oo kahit pa 15-20 pa kailangan nilang habulin. 3rd time ito na naipanalo nila ang unang laro sa kampo ng katunggali sa playoff round.
Eka nga ni Tyrese ay “We can do it if we stay together”.