Advertisers

Advertisers

3 kawani ng immigration nakipagsabwatan sa 4 overstaying na Tsekwa

0 6

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong kawani nito nang mahuli ang apat na Chinese nationals na nagtangka umiwas sa immigration inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Lunes.

Kinilala ang mga banyaga na sina Zhang Zhaoya, Wang Linmei, Qi Xiangyang, at Chen Wenda. Napag-alamang matagal nang overstaying sa bansa sina Zhang (mula Hulyo 2024), Wang at Qi (mula Setyembre 2024).

Si Chen naman may working visa nguni’t kulang sa kinakailangang Emigration Clearance Certificate (ECC).



Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, pananagutin nila ang sinumang empleyado ng ahensya na napatunayang tumulong sa paglabag sa immigration procedures.

Samantala, ang apat na banyaga isinailalim na sa inquest proceedings ng legal division ng BI para sa posibleng pagsasampa ng kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">