Advertisers

Advertisers

Sey ng isang fan… Daniel pinakyaw na ang tsiks sa Marawi; Luis at Jessy kapwa balik-TV

0 26

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MATAPOS mabigo na magwagi bilang Batangas vice governor noong nagdaang 2025 midterm elections ay balik-hosting na si Luis Manzano.

Ilang araw matapos ang eleksyon, nag-post sia Luis sa kanyang Facebook followers kung ano sa kanyang tatlong shows ang nais nilang mapanood muli.



Binanggit niya ang Rainbow Rumble, Kapamilya Deal or No Deal at Minute To Win It.

Siguro ay mas maraming sumagot ng Rainbow Rumble, kaya naman ito ang balitang unang magbabalik sa ere.



Pansamantalang hindi napanood ang naturang show dahil naging abala si Luis sa kanyang pangangampanya noon at hindi pwedeng mapanood ng regular sa isang television show ang tumatakbo sa politics.

Sa kabila ng pagkabigo sa mundo ng politika, panalong-panalo naman si Luis sa mundo ng showbiz.



Bukod kasi sa pagbabalik ng Rainbow Rumble, may chance rin ang dalawa pa niyang shows na “Minute To Win It” at “Kapamilya Deal or No Deal” na magbalik na rin sa telebisyon.

Matatandaang bago pa man ang kanyang pagsabak sa pagtakbo bilang bise gobernador ng Batangas, kaka-renew lang niya ng kontrata sa ABS-CBN. Kaya naman automatic na bibigyan siya ng show.

Bukod sa mga game shows ay may mga product endorsements na rin si Luis na nakapila.

Kasabay naman ng pagbabalik ng TV host-actor sa hosting ay ang pagbabalik din sa pag-arte rin kanyang asawa na si Jessy Mendiola sa isang teleserye na pinagbibidahan ni Gerald Anderson titled Sins of the Father.

***

NAKAKATUWA naman itong isang lalaking fan ni Daniel Padilla na taga Marawi na nagtatampo dahil lokong-loko na raw sa aktor ang lahat ng girls sa Marawi.

Nag-post ito sa kanyang social media account na ang sabi niya, “Hindi na kita idol, Daniel, kasi inubos mo lahat ng chix namin dito sa Marawi“.

Obviously, biro lang ito ng faney.

At kaya naman nasabi niya ‘yun, dahil nang mag-taping sa Marawi ang cast ng seryeng Incognito, na isa si Daniel sa mga bida, talagang pinagkaguluhan siya roon ng mga babaeng faney. Ang daming lumalapit kay Daniel para makamayan siya at magpa-picture.

At kahit sa tinutuluyang hotel ni Daniel, nakabuntot at nakaabang ang mga babaeng faney niya. Mabuti na lang at hinaharap sila ng ex ni Kathryn Bernardo, at nakikipagkwentuhan at nagpapa-picture ito sa kanila.