Advertisers

Advertisers

LBGTQA+ films tampok sa Rainbow QC 2025

0 36

Advertisers

Ni Archie Liao

AARANGKADA na ang RainbowQC Pride Film Festival ng QCinema bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo.

Ang nasabing showcase ng LGBTQ+ films ay dating section ng prestihiyosong QCinema.
Ang pagpapalabas ng queer films ay parte ng layunin ng festival na mabigyan ng representasyon ang mga kuwento ng mga miyembro ng LGBTQA+ o rainbow community.

Ang RainbowQC Pride Film Festival ng QCinema ay idaraos mula Hunyo 25 hanggang 27, 2025 sa Gateway Cineplex 18, Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.

Kasama sa local at international lineup ang The Wedding Banquet ni Andrew Ahn, isang kontemporaryong kuwento ng klasikong obra ni Ang Lee tungkol sa katauhang sekswal, pamilya at pabago-bagong dinamiko ng pakikipagrelasyon.

Tampok din sa filmfest ang Philippine premiere ng Some Nights I Feel Like Walking, isang co-production ng Pilipinas, Italya at Singapore.

Idinirehe ni Petersen Vargas, ito ay pinagbibidahan nina Jomari Angeles, Miguel Odron, Gold Azeron, Argel Saycon, at Tommy Alejandrino.

Kuwento ito ng apat na hustlers na nagsama-sama para tuparin ang huling kahilingan ng kanilang kaibigan.

Tampok din sa filmfest ang Cocoon (Kokon) ni Leonie Krippendorff, isang coming-of-age film mula Germany at Consequences ni Darko Štante, isang Slovenian drama na tumatalakay at sumusuri sa papel ng mga kalalakihan sa isang youth detention center.

Bukod sa feature films, Libre ring magpapalabas din ang festival ng RainbowQC Shorts: The First Water is the Body, isang compilation ng Pinoy queer short films na masusing tinipon ni Jason Tan Liwag. Tampok dito ang shorts tulad ng Abutan Man Tayo ng House Lights ni Apa Agbayani,A Catholic Schoolgirl ni Myra Angeline Soriaso, the river that never ends ni JT Trinidad, at Water Sports ni Whammy Alcazaren, kung saan may espesyal na partisipasyon ang namayapang aktor na si Ricky Davao. Para sa updates, mangyaring bisitahin ang website ng festival na qcinema.ph o sundan ang kanilang social media channels sa @qcinemaph.

Ang Rainbow QCPride Film Festival ng QCinema ay isang proyekto ng Quezon City Film Commission na nasa sa ilalim ng administrasyon ni QC Mayor Joy Belmonte with Ed Lejano as artistic director.