Sen. Robin naiintindihan ang pag-ayaw ng mga direktor sa MTRCB Act; Mylene walang balak pamanahan ang mga anak
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGBIGAY na ng pahayag si Sen. Robin Padilla tungkol sa pagkontra ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) sa inihain niyang Senate Bill No. 2805 o MTRCB Act.
Inaprubahan na ng Senado sa final reading ang naturang panukalang-batas na magbibigay ng mas malawak na mandato sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa online streaming platforms.
Ang nasabing MTRCB Act ay sponsored ni Sen. Robin na naglalayong mas palakasin at mas palawakin pa ang “mandate” ng ahensiya.
“MTRCB should be authorized to regulate video content on streaming platforms to maintain the standards of decency and morality expected by Filipinos,” bahagi ng inilabas na pahayag ng Senado.
Sa hiwalay na official statement ni Sen. Robin, sinabi nitong kailangan na ring pangunahan ng MTRCB ang pagre-review at pagre-regulate ng lahat ng online streaming platforms sa bansa.
Ipinunto ng senador, “For paid on-demand streaming services, MTRCB shall require the streaming service to submit a list and classification of all movies, series, and programs offered and order a reclassification after screening, only as necessary,”
Sabi pa ng kampo ng senador at aktor, inaprubahan ng mga mambabatas ang MTRCB Act, “to address issues of obscenity, immorality, and senseless violence in the digital platforms.”
Tinutulan naman ito ng DGPI dahil naniniwala sila na maaari umano itong makaapekto sa kalayaan nilang makapagpahayag sa pamamagitan ng mga pelikula.
“There is no need to create a redundant new law such as SB 2805 that would further destroy content creators’ rights to free expression and viewers’ rights to free access to expression,” ang nakasaad sa official statement ng DGPI.
Sinagot naman ito ni Robin at ipinagtanggol ang naturang panukalang batas. Naiintindihan naman daw niya ang saloobin ng mga direktor dahil galing din sa industriya ng pelikula.
“Ngunit, sa likod ng panukalang batas na ito, may mas malalim po tayong layunin – pananagutan sa harap ng makabagong panahon,” mariing sabi ng aktor at politiko.
Aniya pa, ang MTRCB Act ay hindi tungkol sa pagbabawal o paninikil kundi pag-aalaga at pagbibigay ng proteksyon sa pamilyang Pilipino, mga kabataan, at ng kulturang Pilipino.
“May pananagutan ang estado na tiyaking ligtas, makabuluhan, at may direksyong moral ang content na lumalaganap, lalo sa online platforms na papasok sa saklaw ng batas,” sabi pa ng senador.
***
SA kanyang panayam sa broadcaster na si Bernadette Sembrano ay inamin ni Mylene Dizon na isa siyang disciplinarian pagdating sa mga anak
Sabi niya,” Kailangan e, because I’m a single mom and I have to do both jobs, and I’m a mother of boys,”
Aniya pa, gusto niyang turuan ang mga anak na maging responsable at disenteng mga lalaki
“Ive dated many men, ‘di naman gano’n kadami, but I’ve dated men and I know of some men who don’t know anything about life or don’t know how to navigate your life because they were too spoiled.
“So I don’t want my children to end up that way kaya ako disciplinarian kasi I want them to be maayos bago ko sila pakawalan,”
Hindi rin siya magpapamana ng mga ari-arian sa mga anak dahil nais niyang magkaroon ang dalawa sa sarili nilang sikap.”
Chika pa ni Mylene, gusto niya na kapag nawala siya ay manatili ang lahat ng itinuro niya sa mga anak.