Advertisers

Advertisers

DOJ may impormasyon ng hawak para mahuli sina Bantag at Roque

0 35

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na mayroon na itong hawak na mga impormasyon para mahuli sina dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag, former Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang mga pugante.

Ito mismo ang ginawang pagtitiyak ng naturang kagawaran kung saan kanila raw ng tinatrabaho ang mga impormasyon nitong nakuha.

Sinabi ng kasalukuyang tagapagsalita ng DOJ na si Assistant Secretary Mico Clavano na plano nilang mahuli na ang mga puganteng pilit tinatakasan ang batas.



Ngunit anila’y hindi porket ang nabanggit na mga pugante ay umabot na sa isyung pambansa, makaseseguro naman raw ang publiko na hindi nito ibabalewala ang iba pang mga inibidwal na mayroong mga kasong kriminal sa Pilipinas.

Samantala, binigyang diin naman ni Mico Clavano na wala raw silang sinusunod na numero sa kung sino ang susunod nitong huhulihin.



Paglilinaw niya, kung sino na ang maaaring maaresto ay kanila na itong gagawin upang mahuli ang dapat panagutin sa batas.

Aniya’y wala silang target na partikular na tao at maging sa oras o petsa ng paghuli ay di’ rin umano nila ginagawan ng pagkakasunod-sunod.



Ang gawain raw kasi ng kagawaran ay makapagkolekta ng mas maraming ‘intelligence’ at mahuli pa miski ng sabay-sabay ang mga puganteng nagtatago sa batas.

Si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag ay kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga otoridad dahil sa mga kasong may kinalaman sa pagpatay o murder.

Itinuturo kasi siyang ‘mastermind’ sa likod ng pagpaslang sa mamamahayag na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa noong taong 2022.

Habang si Atty. Harry Roque naman ay nasa labas ng bansa, partikular ng The Hague Netherlands para sa kanyang aplikasyon ng Asylum.

Ito’y kasabay ng kanyang mga kinakaharap na kaso hinggil sa pagiging sangkot naman umano sa illegal na operasyon ng POGO sa bansa.