BUKING! ESCUDERO NAKIPAGPULONG SA DUTERTE BLOC PARA IDISMIS ANG IMPEACHMENT KAPALIT NG PANANATILING SENATE PRESIDENT?
Advertisers
NAKIPAGKITA umano si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa influential bloc na kaalyado ni Vice President Sara Duterte nitong weekend, nag-alok na itutulak ang pagbasura sa kanyang impeachment trial kapalit ng kanilang suporta para manatili siya bilang pangulo ng Senado, ayon sa website ng online news Politiko.
Sinabi umano ni Escudero sa mga kaalyado ni Duterte na kapag natuloy ang trial, ipipilit nito ang acquittal, senyales ng political deal at pagpreserba sa katayuan ni Duterte at pagpanatili sa liderato ng una.
Inaasahan ni Escudero na makakatunggali niya sa Senate leadership si dating Senate President Vicente Sotto III, na babalik sa chamber sa 19th Congress, na magsisimula sa Hulyo.
Para manatili sa puwesto, kailangan ni Escudero ng suporta ng Duterte bloc sa Senado, na karamihan sa mga ito ay gigil maibasura kaagad ang impeachment complain, ganundin ang mapalawak ang political base para sa 2028 presidential election
Ang liderato ni Escudero ay nanganganib mawala sa kanya dahil sa pag-delay sa impeachment proceedings, pagtakda sa presentation ng Articles of Impeachment ng June 11, dalawang araw bago ang pag-adjourn ng Kongreso. Na ayon sa mga kritiko, ito’y hakbang para mawalan na ng panahon para matuloy pa ang impeachment case.
Todo depensa naman si Escudero sa delay, sinabing mas kailangang unahin ang “ key legislative measures”. Pero hinikayat ng civil society groups ang Senado na kaagad gawin ang trial, nagbabalang ito’y makakasira ng tiwala ng publiko sa impeachment process.