Advertisers
Maaring maharap sa imbestigasyon ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil umano sa mga maanomalyang transaksyon nito.
Isa na rito ang pagpapalabas ng P1.7 bilyon mula sa kaban ng BARMM sa loob lamang ng isang araw para sa Learner’s Kits at Teacher’s Kits noong Marso 7, 2025.
Ayon sa insiders sa MBHTE, may mga testigo na nagpahayag ng kanilang nalalaman sa mga kwestyonableng pagpapalabas ng pera para sa kanilang programa ng ministry.
Napag-alaman na hindi umano dumaan ang pagdadala sa Finance Division Chief para sa rebyu at lagda ng hepe nito ayon sa standard procedures at bilang pagtugon na rin sa mga tuntunin at polisiya ng pamahalaan.
May pinakamalaking budget na P36 billion na halos one-third ng kabuuang budget ng rehiyon ang MBHTE, na pinamumunuan ng umano ni Minister Mohagher Mohammad Iqbal.
Matagal nang nahaharap sa isyu ng korapsyon ang MBHTE, lalo na sa alegasyon na umano na ibinebenta ang mga Teacher’s Kits sa mismong mga guro.
Nakialam din diumano ang kanilang pamangkin na si Apsi Abas, na kilala sa MBHTE sa bansag na “Boss A” sa pagpapahinto ng training program na nakalaan sa mga guro dahil hindi lang napili ang gusto niyang hotels bilang venues noong 2022. Naningil diumano ang mga hotel na nabigyan ng kontrata dahil hindi natuloy ang training at nagbantang magdedemanda sa MBH.
Nanawagan sa Commission on Audit (COA) at kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang mga mamamayan ng BARMM partikular na ang mga insider sa loob ng MBHTE na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon at agarang aksyon hinggil sa anumang anomalya.