Advertisers

Advertisers

Sanya happy na nagle-level up na ang boys sa alahas

0 31

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ALAHAS ang madalas investment ng mga female celebrities kaya natanong si Sanya Lopez kung para sa gaano kaganda o kaimportanteng investment ang jewelry o alahas?

“Nowadays kasi… ang nakakatuwa ano, sabi ko nga, dati mga babae lang ang nag-i-invest talaga sa mga jewelries, e.



“Pero now lahat na, even guys, makikita mo mga naka-diamonds, magugulat ka na lang mga lalaki naka-diamonds na,” bulalas ni Sanya.

“Yung mape-pressure kang makapag-diamonds na din, kasi okay rin naman yung gold, di ba, tayo simple-simple lang pero makikita mo yung mga boys now, nagle-level-up na din, which is good, ha?



“Hindi ko sinasabing hindi maganda yun, and malaking bagay ito na siyempre yung ibang mga kabataan din, na they want to enter business, di ba? “Meron silang idea na, ‘Ay eto pala babagay sa mga kabataan natin ngayon’, and in any age naman actually e, puwede siya, e.

“So iyon yung maganda dito, di ba, kung bakit ka nag-i-invest sa jewelry.



“Kasi hindi naman ito naluluma, lalo ngang gumaganda pa, di ba?”

Dalawang taon nang brand ambassador, since 2023, si Sanya ng Amara Shia Jewelries kung saan CEO si Shina Aquino at ang mister niyang si Ian Aquino ang COO.

Kasama ni Sanya bilang brand ambassador ang influencer/content creator na si Jenela in Japan.

Lahad ni Sanya, “Of course sobrang happy ako na… hanggang ngayon yung tiwala nila sa akin ay nandiyan pa rin.

“At nakakatuwa siyempre, ang daming blessings, pero alam mo everytime na may blessing si Ms. Shina yung parang parte ka, alam mo yung kasama kayo, kasama kami, and iyon yung reason siguro kung bakit mas lalo siyang bine-bless, because she shares her blessings, e.

“And same rin kay Sir Ian, na ang dami nilang mga blessings pero hindi mo mararamdaman sa kanila yung tinatawag na yabang, walang ganun, hindi sila yun,” pababahagi pa ni Sanya.

***

BONGGA na ang collaboration ng GMA at ABS-CBN, tulad ng pagkakaroon ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

At si Martin del Rosario na dating Kapamilya at ngayon ay Kapuso artist, ano ang nararamdaman niya na mas lalong nagiging solid ang collaboration ng GMA at ng ABS?

“Masaya! As an actor, parang feeling ko kaming mga artista, mas marami kaming mga opportunities na makukuha kapag maraming ganitong collaborations na gagawin ang ABS, GMA, or even TV5, ganyan.