Advertisers

Advertisers

Kim rason ng paglipat ni Paulo sa Star Magic

0 31

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MARAMING faney ang talaga namang nag-abang sa naging anunsiyo ng Star Magic social media post nila last week na naghahanap sila ng P.A. na may larawang naka-post ng isang lalaki pero walang mukha.

Caption nito, “Star Magic is looking for a P.A..,”

Nakasaad din sa nasabing post ang mga qualification na hinahanap nila sa P.A., na dapat male, good looking, pleasing personality, versatile, at creative. Obvious naman na ang larawan kahit walang mukha ay si Paulo Avelino.

Hanggang inanunsiyo na ng Star Magic ang pag-welcome nila sa aktor bilang bagong Star Magic artist.

Matagal na naman na Kapamilya actor si Paulo mula nang lumipat ito sa ABS-CBN galing sa Kapuso network. Pero ang LVD management ng yumaong si Leo Dominguez ang naging manager niya na manager din ng dating na-link sa kaniya na si Janine Gutierrez.

Medyo matagal daw bago nakapagdesisyon ang aktor na lumipat sa Star Magic pero marami ang naniniwala na may impluwensya rin daw ang ka-loveteam sa KimPau na si Kim Chiu sa naging desisyon niya lalo na’t lahat ng pinagsamahan nilang proyekto mapaserye at pelikula ay naging matagumpay.

Balitang matapos ang mga seryeng ginawa nila tulad ng Linlang, What’s Wrong With Secretary Kim at pelikulang My Love Will Make You Disappear, ay magsasama raw sila muli sila sa isang teleserye.

***

SA guesting sa Fast Talk ng mga kaibigan at kasamahan noon ng dating aktor na si Red Sternberg sa youth oriented show na T.G.I.S. na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores, ay hindi napigilan ng mga ito na maging emosyonal nang alalahin si Red noong nabubuhay pa ito.

Sa isang bahagi ng show ay binasa ni Kuya Boy ang sulat mula kay Sandy, na asawa ni Red, na naglalaman ng kanyang mensahe para sa mga fans nito at sa T.G.I.S. barkada.

“To all the Red Sternberg fans and followers of ‘T.G.I,S.’ the outpouring of pictures and videos you shared were so touching. I feel your heartache and pain so much. It hurts.

“It’s like a wound that will never ever heal, the deep pounding of your heart that skips a beat, and the reality we all can’t accept is inescapable.

“Red and I got married 20 years ago. I still remember him getting off the computer and saying, ‘Eto na, sinisigaw ko na sa buong mundo na kasal na tayo.’ He was a simple guy. Our wedding bands were picked out in Ongpin.

“As a husband, Red was a planner. He was always ahead before I could even think it. He had a solution for everything by looking up in the ceiling as if the answers were all there.

“He was a computer geek. Everything had a spreadsheet. Red was a loving daddy to the girls and dada to our son.

“Our son being so young, he will only remember him through all of your posts. So thank you for keeping his memory alive.

‘To his ‘T.G.I.S.’ barkada, he’s had so many stories he shared with me. Mostly bloopers na parang yesterday lang talaga happened.

“Thank you for letting him be a part of your barkada. Someday, I hope you can tell the kids more stories.”sabi sa liham ni Sandy

Kung matatandaan, sa panayam noon kay Red ng Kapuso program na “Tunay Na Buhay”, naibahagi ng namayapang aktor kung paano nagsimula ang love story nila ni Sandy.

Inamin din niya kung gaano kahirap ang naging buhay nila noon sa Amerika, lalo na yung panahong nagpapalipat-lipat pa sila ng bahay dahil sa kanyang trabaho.