Advertisers

Advertisers

2 SUNDALO NAGTALO SA DUTY: 1 TODAS

0 237

Advertisers

PATAY ang isang sundalo nang barilin ng kapwa sundalo nang sitahin nang una ang huli sa hindi pag-duty nito sa Zamboanga City, Martes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Technical Sgt. Joseph Cutaran, 46, nakatalaga sa 54th Infantry Battalion ng Barangay Culianan, Zamboanga City.
Pinaghahanap pa ang tumakas na salarin na si Private First Class Herbert Antonio, 31, ng Logoy Diutay, Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City.
Ayon sa ulat, 8:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kampo ng 54th IB Engineering Brigade sa Barangay Lower Cabatangan.
Sa report, lasing at nagpapahinga si Antonio sa kanyang barrack kaya hindi nag-duty sa kanyang trabaho bilang duty personnel upang bantayan ang kanilang water tank.
Kinomprota ni Cutaran si Antonio sa hindi nito pag-duty at pag-over flow ng kanilang water tank, dahilan upang magalit ang huli na agad nagbunot ng baril at pinaputukan ang una ng dalawang beses, kungsaan tinamaan ito sa ulo na ikinasawi noon din.
Mabilis na tumakas si Antonio matapos ang pamamaril spero sumuko din ito umaga ng Miyerkules.
Kakasuhan si Antonio ng murder. (Mark Obleada)