Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
INAMIN ni Ruffa Gutierrez sa interview sa kanya ng Fast Talk With Boy Abunda na may pinagdadaanan sila ng boyfriend na si Herbert Bautista. Hindi nga raw sila nag-uusap sa ngayon.
“With Herbert, well, we’re going through a bump right now and we’re not speaking. So let’s see if that bump will last or we’ll speak again. I don’t know,” sabi ni Ruffa
Ayon pa kay Ruffa, pareho silang abala ni Herbert sa ngayon, at mainam na makapag-isip-isip muna sila pareho.
“Well, I’ve been busy also and he has other things that he should take care of as well when it comes to personal matters. So maybe this is also a good time because it’s been five years since we first met again on the set of a project that we did. So, limang taon. So, magandang space ‘to para makita natin kung itutuloy ba or ihihinto natin,” aniya pa.
Sinabi rin ni Ruffa na hindi sila nagli-live in ngayon ni Herbert.
Hindi ako naniniwala sa live-in. Kaya ‘yung mga relasyon ko, nagtatagal kasi may space, excited kayo to see each other. Kung everyday, gumigising ka, siya ‘yung katabi mo, parang, oh my gosh. I don’t know, ha? Sorry, my longest relationship kasi was seven years. Hindi pa ako lumalampas ng seven years.”
Pagbabalik-tanaw ni Ruffa, 13 pa lang siya noon nang una silang magkita ni Herbert. Hindi agad sila nagpansinan.
Hanggang sa sumali siya noon sa Miss World, at binigyan siya ni Herbert ng isang libro.
“And then I remember when I was 17, binigyan niya ako ng libro. Sabi niya, ‘Ito, basahin mo itong libro na ito. Maganda ‘yan. Para ‘pag tinanong ka sa Q&A sa Miss World, makakasagot ka.’ So ako naman, ‘My gosh, may pictures ba ito? What’s this book?’”
Sa kabila ng nararanasan nilang gusot sa relasyon, sinabi ni Ruffa na patuloy niyang sasariwain ang magagandang pinagsamahan nila ni Herbert.
“So even if we’re going through a little bump right now, I will always treasure our precious moments because he’s the one that encouraged me also to study.”
Reaksyon ng mga netizens, hindi raw kaya sa huli ay sila talaga ng dating asawa na si Yilmaz Bektas ang nakatadhana.
Matatandaang naikwento ni Ruffa na good friends at lagi na silang nag-uusap ni Yilmaz ngayon. Sa katunayan nasa Turkey ngayon ang mga anak nila na sina Lorin at Venice para magbakasyon sa kanilang ama. Balak din daw ng aktres na imbitahan si Ylmaz sa kaniyang kaarawan sa June 24.
Well, wala naman masama dahil single naman si Ylmaz ngayon at tila nagpaparamdam pa rin ito sa kaniya, na gusto siyang balikan.
***
SPOTTED na magkasama diumano sina Lucena Mayor Mark Alcala at ang aktres na si Kathryn Bernardo sa Bonifacio Global City (BGC) noong June 6, sa ganap na alas-3 ng madaling araw, ayon sa report ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog, kasama sina Mama Loi at ate Mrena.
Ayon sa kanila, nakuha nila sa Reddit website na spotted nga sina Mayor Mark at Kathryn, at nakita pa nga ang alkalde na nagpapa-picture sa mga naka-scooter.
Kung totoo ngang magkasama ang dalawa ng madaling araw, ibig sabihin ay talagang may something na sa kanila. Pero saan kaya sila galing at inabot na sila ng madaling araw.
At siguro, inakala nilang walang gaanong tao sa mga ganu’ng oras, e, hindi ba nila naisip na maraming call centers sa BGC at maraming umuuwi ng ganu’n oras at higit sa lahat maraming gumigimik sa nasabing lugar.
Base sa binasa ni Ogie ay maraming hindi naniniwala dahil wala namang larawang lumalabas bilang resibo na nakikita nga ang dalawa.
Labasan kasi ng resibo ang basehan ngayon para maniwala ang lahat na ‘yung tipong hindi na maitatanggi pa ng mga taong involved.