Advertisers

Advertisers

Jessy feeling baguhan sa pagbabalik-serye

0 29

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AFTER 6 years, muling mapapanood si Jessy Mendiola sa bagong serye ng ABS-CBN na isang crime thriller mystery drama na pinamagatang Sins of the Father. Siya ang kapareha rito ng pangunahing bida na si Gerald Anderson.
Kasama rin sa serye sina JC De Vera, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Seth Fedelin, Francine Diaz, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, John Arcilla, at Tirso Cruz III.

Sa mediacon ng nasabing serye, tinanong si Jessy kung anong pakiramdam sa muli niyang pagbabalik sa serye. Ang sagot niya, “Baguhan. Almost 6 years din kasi akong nagpahinga,tapos hindi ko po akalain talaga na babalik pa ako, kaya I’m very grateful. Actually, naninibago pa po ako kasi first big event ko ito sa showbiz after almost 6 years.

“Kaya nga I’m very grateful kina direk kasi inaalagaan nila ako sa set, the production and staff, and even my co-actors kasi alam nilang first soap (series) ko for a very long time,”

Patuloy niya,”Inalagaan nila ako sa mga eksena. They were very accommodating sa mga concerns ko, questions ko, kaya I’m very grateful, I’m nervous and excited in what’s in store for me sa pagbabalik ko.”

Hindi pa ini-reveal ni Jessy kung ano talaga ang karakter niya sa serye bukod sa pagiging partner nila ni Gerald. Pero aminado siyang hindi pa niya nagampanan ito mula nang mag-artista siya.

Kaya challenging daw sa kanya ang role niya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“Actually ito ang nagpa-yes din sa akin para tanggapin ang project and I’m very grateful tulad nga ng sinabi ko kanina inalagaan ang role ko kung paano umarte.

“Siguro ang pinaka-challenging is iwanan ko ‘yung anak ko sa bahay. Mas ‘yun kasi siyempre when you’re a mom hindi ka 100% sa trabaho mo,kasi parati mong iniisip ‘yung anak mo sa bahay, pero parati naman akong bumabalik sa trabaho kasi nga naalagaan ako ng mga kasama ko kaya gusto kong ituloy-tuloy ito.”

Mapapanood na ang Sins of the Father simula June 23 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, Iwant, TFC at Kapamilya online live handog ng JRB Creative Productions headed by Julie Anne R. Benitez for ABS-CBN.

Sina FM Reyes at Bjoy Balagtas ang direktor ng serye.

Speaking of John Ariclla, dahil scamming ang kuwento ng Sins of the Father, nai-share ng award-winnin g actor na minsan na rin pala siyang na-scam.

Ayon sa kwento niya, ang nang-scam sa kanya na isang estudyante ay itinuring na niyang kapamilya at napalapit na rin ito sa mga magulang at kapatid niya.
Pati raw mga kaklase ng naturang estudyante ay na-scam nito. At nu’ng siguro ay depressed na dahil hinahabol na siya, tumalon daw mula sa 3rd floor ang naturang estudyante.

Ang siste, naospital at naka-survive pa raw ito at nakatakas sa ospital.
Ang latest na balita raw niya, nagpapalit na ng mukha ang nang-scam sa kanya para ‘di na ito makilala.

O di ba, parang isang kwento lang sa pelikula o serye ang ibinahagi na ito ni John?