Advertisers

Advertisers

Kristel nagkulong sa CR, tinaguan ang Korean husband sa honeymoon

0 24

Advertisers

Ni Archie Liao

IBINAHAGI ni Kristel Fulgar ang first night nila ng Korean husband sa kanyang YouTube channel.

Ito rin ang honeymoon nila sa Italy ng hubby na si Ha Su-hyuk.

Siyempre, kabado si ate sa kanilang main event dahil aminado naman ang actress at socmed influencer na isa siyang virgin bride.

Matatandaan pang sa isang panayam ay nasabi niya na nangyari lang ang first kiss niya sa mismong engagement nila noong Pebrero.

Sa video, ramdam sa kanya ang kaba sa pagniniig nila ng kabiyak kaya naman nagtago ito sa banyo.

Sa CR seen si Ate na nag-aapply ng skin care products habang tsumitsika sa kanyang followers.

“Tulog na yata,” pakli niya. “Actually, tsumitsika lang ako kasi kunwari may ginagawa ako dito sa banyo. Pero hinihintay ko lang din siya makatulog,” dugtong niya.

Pabulong pa niyang tinuran: “I’m shy! Kailangan ba talagang gawin ‘yun?”

“Nagmahalan naman kami na walang ganun dati. Bakit ngayon parang kailangan na?”

Sey pa niya, maging ang nanay daw niya ay inuurot siya kung naisuko na niya ang Bataan sa foreigner husband.

” Tinatanong pa ako ng nanay ko, ‘Okay na ba? Naka-score na ba?’ Parang hinihintay na niya matapos akong pagbawalan ng ilang taon. Ngayon atat na ata na,” saad ng aktres.

Sa huli, kinundisyon niya ang sarili na handa na umano siya sa madugong battle royale.

“Kaya natin ‘to! Paano tayo bubuo ng pamilya kung hindi natin gagawin ‘to,” sey niya.

Hindi naman nagtagal ay lumabas din ng banyo si Kristel at dahan-dahang sumilip sa pinto.

Doon niya nakitang mahimbing na natutulog ang asawa kaya dahan-dahan siyang lumapit upang makahiga na rin.

Hindi nagising si Kuya kaya naman tila nakahinga nang maluwag ang virgin bride na napabulalas na: “Ligtas ako sa gabing ‘to.”

Si Kristel na isang vlogger-actress na naging talent ng Korean agency na Five Stones Entertainment. Noong Nobyembre naman ay inanunsyo niya ang relasyon niya sa Korean national na si Ha Su Hyuk na kasamahan niya sa pananampalataya sa Iglesia ni Kristo.

Na-engaged naman sila noong Pebrero at ikinasal noong Mayo.