Advertisers
MUKHANG mabibigyan na nga ng hustisya ang pagkawala ng 34 sabungero after almost 4 years na ngayon.
Ito’y nang lumantad ang isa sa anim na suspek, nagpa-interview sa GMA news, kay Emil Sumangil, at nakausap mismo via cellphone ng ilang kamag-anak ng nawawalang sabungero.
Ayon sa nagpakilalang si “Tonton”, isa sa mga akusado sa krimen, patay na at inilibing sa Taal Lake ang 34 sabungero na dinukot habang nagsasabong sa Manila Arena at Sta. Cruz, Laguna.
Sinabi ni Tonton na nakahanda na siyang maging testigo dahil nakokonsensiya na siya at naaawa sa mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero. May mga natanggap narin, aniya, siyang pagbabanta sa kanyang buhay pati ang kanyang pamilya. Kaya bago siya mapatay ay ilalahad na niya kung sino ang nag-utos sa kanya para gawin ang krimen, na nangyari noon pang 2021, kasagsagan ang online sabong.
Ayon pa kay Tonton, pinatay ang nasabing mga sabungero sa pamamagitan ng pagsakal sa kanila gamit ang tie wire.
Dagdag pa niya, nasa 100 pang katao ang pinatay nila maliban sa 34 sabungero na nahuling nandaya tulad ng “tsupe” o pag-galaw ng tare ng manok para matalo at sa kabila ang mga ito nakapusta.
Bago aniya patayin ang mga ito, kinakausap muna tapos ibibigay sa ibang grupo na magliligpit sa mga ito.
Aniya pa, ang ilang itinapon sa Taal Lake ay drug lords.
Sinabi naman ni Justice Secretary “Boying” Remulla na nakahanda siyang kausapin si Tonton kung magkapareho ang mga alam nito sa mga ebidensiyang hawak ng DoJ. Nakahanda aniya siyang bigyan ito ng proteksyon. “Pumunta siya rito at kami ang bahala sa kanya.”
Siniguro rin ni NBI Director, retired RTC Judge Jaime Santiago, na siya ang bahala sa seguridad ni Tonton kung lalantad ito at tetestigo sa krimen.
Say ni Tonton tinatapos lang niya ang kanyang mga affidavit at haharap na siya sa DoJ. Abangan!
***
Inihayag nitong Huwebes ng Malakanyang ang listahan ng Cabinet officials na pinanatili at inalis ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Na-retain sina:
– GSIS President at GM Jose Arnulfo “Wick” Veloso.
– Land Bank of the Philippines (BPI) Pres. and CEO Lynette V. Ortiz
– DBP President and CEO Michael O. de Jesus
– NIA Administrator Eduardo “Eddie” Guillen
– PCSO GM Mel Robles
– PhilHealth Pres. and CEO Emmanuel Mercado
Inalis naman sina:
– Presidential Legeslative Liaisonn Office Pres. Mark Llandro Mendoza
– Presidential Adviser on Military and Police Affairs, Secretary Roman Felix
– Philippine National Oil Company Renewables Corporation (PNOCRC) Pres. and CEO John Arenas
Bye, bye!!!
***
Congratulations Congressman Benny Abante!
Ang suerte nga naman! Natalo si Abante sa nakaraang halalan laban kay Joey Uy sa 6th District ng Manila, pero nagawa niyang ipa-disqualify sa Comelec si Uy dahil sa pagiging naturalized Filipino nito. Dapat kasi ay natural born Filipino, ayon sa ating Saligang Batas.