Advertisers
Baka kilala ninyo ito mga Ka Usapang HAUZ dahil sa ngayon ay mainit na mainit na Marites sa apat na sulok ng Palasyo ng Malacanang ang tinaguriang Lady Dragon na sobrang makabuga ng apoy para tsugiin ang makursunadahan nito.
Eto ang clue mga Ka Usapang HAUZ, walang hindi makakakilala kay Leni de Jesus ang Dragon Lady noon ni FVR. Gamit ang kanyang angking ganda, talino at abilidad… legs pa lang ni Ma’am Leni, tiklop na ang mga alipores ni Tabako noon. Charming si Ma’am Leni de Jesus kaya lahat may respeto at takot sa kanya.
Kabaligtaran naman, tong bagong dragon, literal na dragon! Mukhang dragong berdugo ang dating. Tinatakot ang mga ayaw mag-bow sa kanya. Trusted lieutenant siya ni LAM. Claim to fame nya sa mga opisyal na pinag-iinitan nya… si Sec Naida, nadale niya; si Cong Dong Mendoza na kahit maganda ang performance isang bulong lang nya tsugi agad! Si Atty Cheloy, ginawa daw nyang kaluluoy. Kaya yung mga gustong manatili sa power, este pwesto… dapat alam na this!!!! Dragon Lady 2 is my Ninang!
Next in line nya… si SAP Anton na tinitira ng kanyang ex-Boss na Congressman! Aba, dapat na bang pumirmi sa isang Toby si SAP?
After SAP- feeling ni Dragon Lady eh matsu-tsugi na rin si ES dahil daw sa corruption issue na ibinulong nya personally kay Code 1 upon the instruction of her MOST Boss.
Ganun nga ba ang power ngayon ni Atty. E!!!! Hindi nga ba ito MASUKAT ng kahit anong tape measure!!!!
Nasa upperhand pala ngayon si Dragon Lady kung ang pag-uusapan ay lakas ng bulong sa hari at reyna ng Palasyo ng Malakanyang!
Matapos ang matagumpay nyang pagpapatalsik at pang-i-intriga sa mga nagta-trabahong miembro ng Gabinete ni PBBM, at pagpapanatili ng ilang non-performing Cabinet officials basta nag-bow at may committed projects… target naman nya ngayon ay pilayin yung mga opisyal na trusted ni Code1 at maging yung nasa inner circle. Kaya naman pala sinipa w/out any reason si PLLO secretary dong Mendoza eh para mawalan ng backbone si SAP Anton Lagdameo. Next na gusto nyang mawala sa eksena ay mga USEC at mga second in command nung retained cabinet members na hindi nya kayang ipatanggal. Divide and rule ang strategy ni Dragon Lady. Kayang kaya nyang paikutan ang mag-asawa na super trusting sa kanya! Naku, mag-iingat kayo mahal na Pangulo. Matindi sa diskarte si Dragon Lady.
Pati yung papalit kay Ombudsman Sam Martires, naka-kamada na at pang-sindak nya sa mga opisyal na ayaw sumunod sa kanya. Lagot kayo pag-upo ng bagong OMBUDSMAN! Iisa-isahin ko kayo… talagang Dragon ang dating.
Kaya naman pala, pati yung mga astig na General at Colonel na gustong lumusot sa Commission on Appointments… dapat may appointment muna sa kanya para assured daw ang basbas ni Haring Bongertz, kahit bading ka pa!
Mahal na Pangulo, mag-iingat po kayo!
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036