Advertisers
NAKUMPLETO na ang 20,000 na posisyon para sa karagdagang guro sa mga pampublikong paaralan.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa 4,000 na bagong guro matapos ang unang naaprubahan na 16,000 na posisyon noong nakaraang buwan.
Ang mga karagdagang posisyon para sa Salary Grade 11 na teaching position ay hiniling ng Department of Education (DepEd).
Sa 4,000 na mga bagong posisyon, 1,658 ay para sa kindergarten at elementarya; 391 ay para sa junior high school, at 1,951 ay para sa senior high school.
Nabatid na ang pagkuha ng mga bagong guro ay napondohan sa pondo ngayon taon ng DepEd.