Advertisers
UMAKYAT na sa 27 individual o katao, 18 ang sugatan habang dalawa ang missing dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dala ng habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Col Allen Rae Co, PNP spokesperson, as of August 17, 6:00 am, sa 27 mga nasawi dalawa rito ay sa La Union, 8 sa PRO 4A (Calabarzon), 16 nasawi sa PRO COR o Cordillera Autonomous Region at isang nasawi sa Cadiz City Negros Occ. Habang ang 18 sugatan ay naitala sa Region 4 A, CAR at NCRPO samantala ang dalawang missing naitala sa Region 4A at NCRPO.
Samantala umabot naman sa 1,450,747 pamilya o 5,084,667 katao ang apektado ng habagat mula sa Regions: I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, CAR, NCR at MIMARO batay sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRMMC).
Sa nasabing bilang nananatili naman sa 523 mga evacuation center ang 7,182 pamilya o 24,893 individual o katao.
Umabot na sa 1,863 kabahayan ang napinsala kung saan 182 kabahayan ang tuluyan nawasak habang 1,681 kabahayan ang nasira.
Umabot na sa halagang Php 3,448,647,496 ang pinsala sa infrastructure habang Php 689,662,316 naman ang pinsala sa agriculture. (Mark Obleada)