Advertisers

Advertisers

Pang 1 buwan na ulan bumuhos sa Metro Manila sa loob lamang ng 5 oras

0 7

Advertisers

NAKARANAS ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Lunes, Agosto 17 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat.

Batay sa datos mula sa Science Garden Station ng DOST sa Quezon City, umabot sa 201.7 milimetro (mm) ang ibinuhos na ulan sa loob lamang ng limang oras mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM, katumbas ito ng isang buwan ng regular na pag-ulan.

Mabilis na tumaas ang tubig sa mga kalsada matapos maitala ang 138 mm na buhos ng ulan sa loob lamang ng dalawang oras, mula 12:00 PM hanggang 2:00 PM.



Kung ikukumpara, nagdala ang Bagyong Ondoy noong Setyembre 26, 2009 ng 455 mm ng ulan sa loob ng 24 oras na nagdulot ng makasaysayang pagbaha sa rehiyon.

Agad namang rumesponde ang MMDA upang umalalay sa mga naapektuhang motorista at nag-deploy ng Flood Control team upang alisin ang mga bara sa drainage system.



Patuloy din ang pagbabantay ng ahensya sa mga pangunahing kalsada sa pamamagitan ng CCTV upang mabilis na maaksyunan ang mga road crash at maiwasan ang matinding trapiko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">