Advertisers
NANUMPA sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal ng Cavite na sina Governor Francisco Gabriel “Abeng” Remulla, Vice Governor Ramon Vicente “Ram” Bautista at 7th District Congressman Crispin Diego “Ping” Remulla kahapon sa makasaysayang simbahan ng San Agustin Church Tanza Cavite.
Si Governor Abeng Remulla at 7th District Congressman Ping Remulla ay pinanumpa sa pangunguna ng kanilang ama na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla habang si Vice Governor Ram Bautista ay sa kanyang ama na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Kasabay nito nanumpa din ang mga Board Member ng walong (8) Distrito ng Cavite at sina Tanza Mayor Archangelo “SM” Matro at mga konsehal ng Bayan ng Tanza kay Prosecutor Vivian Monzon-Rojo.
Dito sa makasaysayang simbahan ng Tanza ginanap ang panunumpa ng mga bagong halal na matataas na pinuno ng lalawigan ng Cavite kung saan dito din nanumpa ang unang Pangulo ng Pilipnas na si Heneral Emilio Aguinaldo taong 1897. (Irine Gascon)