Advertisers

Advertisers

OF GOODBYES AND HELLOS

0 21

Advertisers

Para sa mga mamamayan ng Paranaque, si outgoing Mayor Eric De Leon Olivarez ay isang simple at very cool chief executive ng kanilang siyudad.

Madalas nila itong nakikitang naka-denim maong pants lamang at ordinaryong t-shirt sa tuwing nasa city hall.

Naka-sneaker shoes lamang ito at pangiti-ngiti habang nakikihalubilo sa mga tao.

Kung kailangang mag-formal attire gaya nang pagdalo sa ilang events at flag raising ceremonies, naka- barong lamang ito at leather shoes.

Walang alahas o ano mang burloloy sa katawan.

Napaka-low key ang personalidad kung ikukumpara sa edukasyong nakapaloob sa kanyang very impressive resume’.

For the very first time, ibabahagi natin dito sa ating payak na kolum ang mga unibersidad at mga kursong natapos at pinagsunugang-kilay nang papaalis na alkalde ng Paranaque City patungo sa bulwagan ng Kongreso na may tatlong (3) termino rin nitong pinaglingkuran bilang Kinatawan ng Distrito Uno ng Paranaque (2013-2022).

Tunghayan po natin:
1.Bachelor of Arts Major in History & Political Science
De La Salle University. Manila
2. Master of Science Major in Educational Management
De La Salle University, Manila
3. Doctor of Education Major in Educational Management
De La Salle University
4. BS Nursing
California State University of Los Angeles, California, USA

(Passed the National Council Licensure Examination ( NCLEx) in Los Angeles, California, USA)

Bukod sa pagiging politiko at public servant, napakarami pang sumbrerong suot ang mabunying Congresman –elect Eric Olivarez.

Ito rin ang tumatayong pangkalahatang tagapamahala ng family-owned Olivarez Medical Center at Olivarez University.

Ang tinaguriang “Dancing Mayor ng City of Paranaque ay isa ring certified professor and educator.

Kakaiba talaga ang ipinakikitang kababaang-loob at maka-masang pag-uugali ng outgoing Mayor Eric Olivarez,

Sa kanyang mga tauhan at kapwa elected officials sa city hall, hindi ito kakikitaan ng yabang at kagaspangan ng ugali.

Laging naka-ngiti at maaliwalas ang aura.

Cool as ever at sadyang masayahing tao.

A true-blue home buddy at sadyang mahilig sa musika at sayaw.

Goodbye City Hall…hello Congress!

Truly… mami-miss ka ng mga kasamahan, tauhan at ng lahat ng mga taga Paranaque City Hall Mayor Eric Olivarez sir!

Goodluck and more power!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com