Advertisers

Advertisers

Sen. Risa magsasampa ng kaso sa NBI vs mga nasa likod ng alyas Rene video

0 14

Advertisers

MAGSASAMPA ng kaso bukas sa National Bureau of Investigation (NBI) si Senadora Risa Hontiveros laban kay Alyas ‘Rene’ — ang bumaliktad na testigo sa pagdinig noon ukol sa mga umano’y pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ginawa ni Hontiveros ang reaksyon kasunod ng kumalat na video ni Alyas ‘Rene’ kung saan inaakusahan nito ang senadora na binayaran siya ng P1 million para tumestigo sa mga seryosong kaso laban kay Quiboloy at idawit sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

“Sa mga nasa likod ng video na ito, you have crossed the line. Sobra na kayo. Dahil doon, I have consulted with my legal team and on Wednesday, we will file a complaint before the NBI and seek their assistance in investigating the people responsible for this video, and those systematically circulating it in their disinformation networks,” ani Hontiveros.



“This is only step one and we will take further decisive action, including the filing of criminal complaints. Para sa mga testigo at biktima, at para sa Senado, maniningil kami ng hustisya,” sabi pa niya.

Bukod kay Alyas ‘Rene’ sasampahan din ng senadora ang mga naglabas ng kumalat na video.



Ayon sa senadora, hindi lamang fake news ang video kung hindi isa ring witness tampering o pananakot sa testigo.

Ayon pa kay Hontiveros, si Alyas ‘Rene’ ang paulit-ulit na lumapit sa kanyang opisina—hindi ito tinakot at pinilit kundi siya ang naghabol sa kanilang tanggapan para magpahayag ng kanyang panig.



Ibinuking pa ng senadora na noong Pebrero 7, 2024, si Alyas ‘Rene’ ang nanghingi ng pera upang ipangbili ng laptop—kung saan malinaw aniya ang polisiya ng kanyang opisina na hindi sila nagbibigay ng financial assistance sa potential witness.

Kaya naman hindi na aniya magtataka pa ang mambabatas na kung Kingdom of Jesus Christ—na pinamumunuan ni Quiboloy ang nagbayad kay Alyas ‘Rene.’

Noong Pebrero 22, 2024, hinimok din niya ang dating testigo na bumawi sa hearing para mapahiya si Hontiveros.

Kaya naman hindi aniya palalampasin ni Hontiveros na takutin nila ang mga testigo at sindakin ang Senado bilang institusyon. (Mylene Alfonso)