Advertisers
Ni Archie Liao
NAGLAMBING si Ryan Bang kay Jhong Hilario para maging abay ang “It’s Showtime” co-host sa kanyang kasal.
Game namang tinanggap ni Jhong ang request ng kaibigan.
“Syempre ako, sa puso ko, sa buong buhay ko, pinakamalapit sa akin na kaibigan ay si Kuya Jhong Hilario. So dahil malapit na akong ikasal, pwede kitang tanungin? Can you be my best man?”, aniya.
Dagdag pa niya, iba raw ang bond na nabuo sa kanila ng dating konsehal mula nang mamalagi siya sa Pinas.
“Ikaw ang pinaka-close ko… Para talaga tayong — totoo ha — more than tunay na kapatid. Sabi ko Lord, bakit ba ako nag-iisa? Gusto ko sana may kuya ako, may kapatid ako. Ikaw ‘yung gift sa akin ni Lord. Kayo lahat, sila Kuya Vhong. Pero Kuya Jhong, ikaw ang idol ko. Sa sobrang bait mo sa lahat, kaya gusto kong maging ikaw, ” pahayag niya.
Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi niya puedeng maging best man si Vice Ganda.
” Eh si Mommy Vice, kunin ko siyang best man, magagalit ‘yun, nanay ko ‘yun eh,” bulalas niya.
Ani Jhong, isa raw malaking karangalan para sa kanya ang maging best man sa wedding ng Koreano.
Hirit naman ni Jhong: “Syempre nandoon ako. Syempre tatanggapin ko ‘yan, kasi para maging isang Best Man ni Ryan Bang, na mapili ako — malaking karangalan ‘yan. Syempre marami na tayong pinagsamahan, ” bulalas ni Jhong.
Nag-emote naman si Ryan sa pagiging ikalawang pamilya na niya ng” It’s Showtime” family.
“Alam ko kung gaano kahirap ‘yung makipagsapalaran dito sa Pilipinas na walang pamilya, ikaw lang mag-isa. Pero nakahanap ka ng totoong pamilya, pangalawang pamilya mo, kay Vice, sa akin, sa buong Showtime,” sabi pa ni Jhong.
Si Ryan ay nakatakda nang ikasal sa fiancee niyang si Paola Huyong.