Advertisers
Ni Archie Liao
MAY isang source ang nag-tweet na trulili raw na break na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo.
Ito ay pagkatapos na mag-unfollow ni Heaven kay Marco sa Instagram.
Gayunpaman, bet daw ng kanilang management na ituloy pa ang kanilang love team lalo pa’t may nabuo naman silang following.
Isa namang kate-katera ang nag-spill the tea na wala si Heaven sa show ng Univerkada sa Davao kamakailan.
Sa ganito kasing fan-based event ay hindi nawawala si Heaven dahil hinahanap sila ng MarVen fans.
Ang tsika naman ay umayaw daw si Heaven at hindi sumama dahil di niya bet na makasama ang squad lalo na ang rumored ex na si Marco.
May mga kinesong balitang malalim daw ang dahilan kaya nag-part ways ang dalawa.
Lumutang pa ang espekulasyon na may third party na involved sa hiwalayan ng naunsyaming lovers.
Sa binabalak na book two ng kanilang serye, pinag-uusapan nga raw ng produksyon kung paano mapagsasama ang dating lovebirds.
May ilang kafaneyan din ang worried kung matutuloy pa ang plinaplanong show nila sa isang malaking venue.
Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng kibitzers sa nabanggit na tsika.
“Noon pa man, feel ko na na hindi sila magtatagal.”
“Forda the love team lang naman sila. Di ba, may mga dyowa naman talaga sila at front lang iyong sweet-sweetan nila?”
“Binoykot ni Heaven ang event dahil di niya bet makasama si Marco.”
“3rd party ba?”
“So paano na ang concert nila?”
“kaya dapat di dinodyowa ang ka-love team.”
“pero diba may jowa yang si Marco bago yung series nila ni Heaven?”
“Ang chika pati si Heaven meron din daw jowa nun”
“Heard na nakikipag-flirt na sa iba si Marco kasi hiwalay na sila.”
“Sayang naman. Fan pa naman ako nila.”
Lately naman, nag-viral ang pagsasama nila sa isang endorsement.
Napansin ng mga nagmamarisol na tila may wall na sa pagitan ng dalawa at obvious na may ilangan na namamagitan sa kanila.