Advertisers
Ipinagmamalaki ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ngayon ay pinangangasiwaan nila, ay nakakapagtala ng ‘steady rise’ sa bagong international flights at airlines.
Anang NNIC, ito ay senyales ng tumataas na kumpiyansa ng ibang bansa sa ekonomiya ng Pilipinas.
Inihalimbawa ng NNIC, na pinamumununan nina President Ramon S. Ang, general manager Lito Alvarez, officer Cesar Chiong at San Miguel VP for Communications and media affairs group head Jane Llanes, ang paglulunsad ng Philippine Airlines ng maiden direct flight nito papuntang Da Nang, central Vietnam,bilang latest addition sa humahabang listahan ng airline routes opening sa NAIA, sa ilalim ng NNIC management.
Habang ang tourism, business at trade activity ay patuloy sa paglago, mas marami umanong carriers ang nagsasagawa ng expansion ng networks na kasama ang Maynila.
Ang bagong PAL direct service patungong Da Nang ay inilunsad nitong Hulyo 1 sa pamamagitan ng inaugural send-off at arrival ceremonies sa NAIA Terminal 1.
Bago niyan, ang Air France, Air Canada at Vietjet Airlines ay nagsimula ng operasyon sa bagong routes mula at patungong NAIA, kasama na ang direct flights sa Seattle (USA), Brisbane (Australia), Paris (France), Sapporo (Japan), Vancouver (Canada) at ngayon nga ay Da Nang.
Mas maraming routes pa ang inaasahang dumating. Ang Air India ay naghahanda ng maiden direct flight mula New Delhi sa October, habang ang United Airlines ay magdadag daw ng second daily service patungong San Francisco.
Ang NAIA ay nagsimula na ding mag-service sa bagong regional routes kasama na ang flights sa Chiang Mai, Thailand.
Ayon sa NNIC, ang mga developments na ito ay nagpapakita kung paanong ang patuloy na pagsisikap na gawing moderno at i-streamline ang operations ay nakakatulong sa NAIA na suportahan ito.
“We are scoring quick wins where we can by improving systems, facilities, and passenger flow. The results: we are now able to accommodate more flights and reduce congestion at the terminals,” ani NNIC President Ramon S. Ang.
Mula aniya mag-takeover ang NNIC sa NAIA operations nuong September 2024, nag-focus ang NNIC sa pagpapaganda ng ‘passenger experience’.
“During the Holy Week travel period in April, NAIA handled over 1.17 million passengers in just eight days — a 12.7% increase from 2024 — while maintaining an on-time performance (OTP) of 83.28%. To accommodate more passengers, NAIA is building a new Terminal 5 to boost capacity to 62 million annually, increasing air traffic movements from 40-42 to 48 per hour, and expanding food, retail, and lounge offerings across all terminals,” aniya.
Inalis din ng NNIC ang mga abandonadong aircraft sa airside, para paluwagin ang parking space, aircraft turnaround at ground movement.
Naumpisahan na din daw ang upgrading ng check-in at baggage handling equipment para sa mas mabilis na pag-proseso sa mga pasahero.
Para naman sa mas mabilis na processing sa immigration counters, suportado din ng NNIC ang pagbili ng biometric e-gates para mapaiksi ang mga linya sa ‘peak hours’ at matulungan ang NAIA na makamit ang global airport standards sa larangan ng seguridad at passenger experience.
Sa pagkakaalam ko, marami pang inaasahang magandang pagbabago sa NAIA. Abangan natin.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.