Advertisers
PINAGNAKAWAN at pinatay ang isang isang TNVS driver ng mga pasaherong kanyang sinundo sa Parañaque noong Mayo 18.
Kinilala ang biktima na si Raymond Cabrera.
Sa halip na makarating sa Molino, umikot ang sasak-yan sa probinsya. Nairekord ng dashcam ang tunog ng pananaksak sa biktima.
Nakita sa CCTV footage ang dalawang salarin na bumaba sa ninakaw na sasakyan sa Valenzuela at sumakay ng pedicab at isa pang sasakyan.
Nagalit at nalungkot ang pamilya ni Cabrera, na nagsabing patas at tapat itong tao na hindi karapat-dapat sa nangyari sa kanya.
Natukoy na ng NBI ang mga salarin pero wala parin balita sa katawab ng biktima. Nag-aalok ang pamilya ng P100,000 na reward para sa impormasyon.
Kinasuhan ang mga salarin ng carnapping at robbery with homicide.