Advertisers

Advertisers

3 LPA namataan sa loob at labas ng PAR

0 6

Advertisers

KASALUKUYANG binabantayan ng state weather bureau ang tatlong low pressure areas (LPA), dalawa sa labas at isa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa weather forecast ng weather bureau nitong Huwebes, ang isang LPA sa loob ng PAR ay may mababang tsansa na maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras. Huli itong namataan sa layong 790 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Samantala, isang LPA sa labas ng PAR, ay may katamtamang posibilidad na maging tropical cyclone sa parehong panahon. Namataan ito sa layong 475 kilometro hilaga-kanluran ng Itbayat, Batanes.



Habang ang ikatlong LPA, na nasa layong 2,070 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon, ay mababa rin ang tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">