Advertisers

Advertisers

Say ng DoJ: Credible witness si Totoy

0 5,371

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Justice (DoJ) na kridibol na testigo si Julie “Dondon” Patidongan alyas “Totoy” sa kaso ng missing sabungeros.

Lahat daw ng sinabi ni Totoy ay dokumentado, may resibo, at tugma lahat sa mga naunang nakalap na mga impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal Investigation ad Detection Group (PNP-CIDG).

Kaya naman detalyado at dokumentado ang mga ibinunyag ni Totoy ay dahil naging chief security siya ng itinuro niyang mastermind sa missing sabungeros na si Charlie “Atong” Ang. Utusan daw siya ni Atong, at alam niyang lahat ang baho ng gambling tycoon.

Si Totoy ay isa sa mga suspek sa missing sabungeros. Pero kumalas siya kay Atong dahil pinagmumura daw siya nito, binantaan na papatayin pati ang kanyang pamilya. Kaya bago raw siya mawala ay nais niyang bigyan ng hustisya ang pagpatay sa maraming sabungero noong kasagsagan ng online sabong ng grupo ni Atong, mula 2021 hanggang 2022.

Ikinuwento ni Totoy kung bakit dinukot, kung paano pinatay at kung saan itinapon ang mga bangkay ng mag sabungero. Pinangalanan niya ang mga sangkot sa krimen.

Binanggit din ni Totoy kung sino-sino ang kasabwat ni Atong pati ang Judge na umaayos sa kanyang mga kaso sa korte para mabasura o madismis.

Binanggit niya ang pangalan ng actress na si Gretchen Barretto, mga kilalang breeder/sabungero na sina Eric dela Rosa at Engr. Celso “Cel” Salazar, at ang taga-ayos kuno ng mga kaso ni Atong na si retired Judge Reyes na isa sa mga opisyal ng PCSO.

Obkors todo deny si Gretchen. Business partner lang daw siya ni Atong. No talk naman sina Dela Rosa at Salazar. Samantalang itinanggi ni Reyes na “fixer” siya ni Atong. Hinamon pa niya (Reyes) si Totoy na magsabi ng totoo, hindi puros kasingalingan.

Pero hinamon ni Totoy si Reyes pati na si Atong na magpa-lie detector test sila para malaman kung sino sa kanila ang nagsisinungaling.

Magsasampa rin daw siya ng demanda laban kay Atong bilang counter demanda.

Ibinunyag din ni Totoy ang mga pulis, mula Lt. Colonel, na sangkot sa mga pagdukot at pagpatay sa mga sabungero. Ang naturang opisyal ay tumatanggap daw ng P2 million kada buwan kay Atong. Naka-voucher daw ito.

Ang 15 pulis na isinangkot ni Totoy ay nakakostudya na sa Camp Crame, at nagpahayag daw ang ilang sa mga ito na maging ‘state witness’. Araguy!!!

***

Sa ikaapat na araw ng search and retrieval operations ng mga awtoridad sa pamumuno ng PCG sa Taal Lake, limang sako na na naglalaman ng mga buto ang nasisid ng divers. Subject for examination pa ang naturang mga buto.

Ang isa sa mga sako na naglalaman ng buto ay nahukay sa may pampang ng Taal Lake sa bahagi ng Laurel, Batangas. Nadiskubre ito nang ituro ng isa sa mga testigo, na nagsabing sinunog ang biktima at inilibing ang labi. Inieksamin na ang mga buto.

Nauna nang sinabi ni PNP Chief, General Nicolas Torre, na ang ibang biktima sa missing sabungeros ay sinunog at ibinaon sa lupa.

Asahang marami pang madidiskubre sa mga ibinunyag ni Totoy.

Si Totoy ay malamang maging state witness dahil accessories of the crime lamang daw ito.

Subaybayan!