Advertisers

Advertisers

Senglot na parak, nanakit at nagpaputok ng baril

0 130

Advertisers

KULONG at nanganganib din na masibak sa serbisyo ang isang bagitong pulis na nag-viral sa social media dahil sa panakit at pagpapaputok ng baril sa mga taong bumibili at sa may-ari ng isang tindahan sa Brgy. Ibabang Dupay ng Lucena City, Quezon nitong Sabado ng gabio, July 12, 2025.



Kinilala ang suspek na si alyas Patrolman “Madlang-Awa”, 30-anyos ng Class Magdasilayan 2020-2021 Calabarzon, residente sa kaparehong lugar.

Habang ang mga biktima kinilalang sina alyas 1. “Carl”, 20-anyos; alyas “Lyniel”, 20-anyos; alyas “Kayla”, 20-anyos; at ang may ari ng tindahan na si alyas “Reagan”, 28-anyos.

Ayon sa report ng Lucena Component City Police Station kay Quezon Police Provincial Director Romulo A. Albacea, dumating sa nasabing tindahan ang lasing na suspek para bumili ng yelo, habang nakasabay din niya na bumili ng sigarilyo si alyas “Carl”, na bigla na lamang tinutukan ng dalang baril ng suspek at agad naman umalis ang naunang biktima at sunod naman na kinursunada ng suspek ang mga kustomer na sina alyas “Lyniel” at alyas “Kayla” subalit ng paalis na ang dalawang biktima ay sinundan sila ng suspek na nagresulta ng pakikipagtalo ng biktimang si alyas “Kayla” sa suspek na sinaktan di umano ng pulis gamit ang kanyang baril na nagresulta ng pag aaway sa pagitan ng dalawang biktima at ng suspek na agad naman naawat ng isang kasama ng suspek at ng may ari ng tindahan na biktima rin na agad pinapasok sa loob ng tindahan sina “Kayla” at “Lyniel.”

Subali’t nanatili ang suspek sa labas ng tindahan at pilit na pinapalabas ang mga tao sa loob at nagsabing “Asan ang kasama mo at Asan ang kasama nun!!!” habang itinututok ang kanyang baril sa mga biktima at nagpatuloy sa kanyang pagmumura at pagbabanta “putang ina mo papatayin kita, gusto mo patayin kita!!!” habang nagpapaputok ng kanyang dalang baril.

Nakahingi naman ng tulong sa mga otoridad ang mga biktima na agad nagresponde at dahil na rin sa pakikipagtulongan ng kapatid na babae ng suspek ay sumuko ito sa kanyang mga kabarong pulis na agad siyang inaresto at narekober ang baril na ginamit ng suspek na Canik TP9 SF Elite-S Cal.45 with serial numbeitT6472-19 BG 20857, na loaded ng isang magazine na may laman ng pitong (7) piraso ng mga bala.

Ayon naman kay Colonel Albacea, patong patong na kaso ang kakaharapin ng nakakulong ng suspek tulad ng Grave Threats, Unjus Vexation, Physical Injuries at Illegal Discharge of Firearms na posibleng matanggal na rin umano sa serbisyo.(KOILAURA)