Advertisers

Advertisers

PNP Chief Torre, binalasa ang 16 na opisyal at Laguna PNP inutil sa paglaban sa iligal na sugal?

0 53

Advertisers

EPEKTIBO noong, July 14, 2025 ang balasahan sa 16 na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Base sa kautusan pirmado ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III nitong July 11, itinalaga si Lt. Gen. Edgar Allan Okubo bilang bagong Deputy Chief for Operations, ang ikatlong pinakamataas na posisyon sa PNP na kapalit ni Lt. Gen. Robert Rodriguez na magreretiro ngayong araw, July 15.

Papalitan naman ni Maj. Gen. Neri Ignacio si Okubo bilang Chief of the Directorial Staff.

Kabilang din sa inilipat ng pwesto ay sina Brig. Gen. Jeffrey Decena, dating Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office (PRO) 3 na ngayon ay Director ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA);

Brig. Gen. Martin Defensor Jr., dating Director ng PNP Finance Service, ang bagong hepe ng Directorate for Logistics;

Maj. Gen. Christopher Birung, dating Director ng PNP Academy, ang bagong Commander ng Area Police Command Southern Luzon;

Brig. Gen. Marlou Roy Alzate, dating SOSIA Director, ang bagong Director ng Finance Service;

Brig. Gen. Nestor Babagay, dating Director ng Police Security and Protection Group (PSPG) ngayon ay Regional Director ng PRO 5 (Bicol);

Brig. Gen. Andre Dizon, dating Regional Director ng PRO-5, ang bagong Director ng PNP Academy;

Brig. Gen. Benigno Guzman, dating Director ng Manila Police District (MPD), ang bagong hepe ng PSPG;

Brig. Gen. Arnold Abad, dating Director ng Northern Police District (NPD), ay itinalaga bilang kapalit ni Guzman sa MPD;

Brig. Gen. Eleazar Matta, dating Director ng Highway Patrol Group (HPG), ang bagong Regional Director ng PRO 9 (Zamboanga Peninsula);

Brig. Gen. Roel Rodolfo, dating hepe ng PRO-9, ay inilipat sa PRO 4B (Mimaropa) bilang Regional Director;

Brig. Gen. Willy Segun, dating Director ng PNP Communications and Electronics Service, ang bagong Director ng HPG;

Brig. Gen. Jerry Protacio, mula Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU), ay itinalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO);

Col. Rommel Batangan, mula PRO – Negros Island Region (NIR), ang bagong Deputy Regional Director for Administration ng PRO-3;

Col. Lito E. Patay, dating nasa PRO 10 (Northern Mindanao), ay muling itinalaga sa PRO-NIR.

Ayon sa pamunuan ng PNP, layon ng reorganisasyon na palakasin ang operasyon at mas lalong paghusayin ang serbisyo sa publiko.
Laguna PNP, inutil sa paglaban sa iligal na sugal?

Samantala sa CALABARZON area o Region 4A, ang lalawigan ng Laguna ang pinakanotoryus na probinsya pagdating sa operasyon ng iligal na sugal at droga, – ayon sa reklamo ng ilang concern citizen.

Anila, patunay na shabu-infested ang maunlad na probinsya dahil sa napakarami pa ring nakukumpiskang shabu at nahuhuling mga drug pusher at adik ay nagkalat din ang iligal na sugal. Ang dahilan kaya ‘di nauubos ang shabu at nasasawata ang lantarang sugal sa perya tulad ng “color games at drop ball” ay dahil sa umiiral pa ring “lagayan system”.

Pakiwari nila, ‘mahina’ ang liderato ng bagong talagang Laguna PNP provincial director na si P/Col. Jonar Ramirez Yupio.

Bukod umano sa malala pa ring drug problem, hindi umano nito inaaksyunan ang mga naglipang crime incidents, at ang hayagang operasyon ng pergalan (perya-sugalan) ng maimpluwensiyang gambling queen na si alyas Judith na inu-umagang sugalan na matatagpuan sa may Tram Plaza, Balibago ng Santa Rosa, Barangay Sto Domingo at Palengke ng Biñan, Barangay Langgam sa San Pedro, Banlic sa Cabuyao, Crossing at Checkpoint ng Calamba, Laguna.
Matatandaan sa naging turn-over ceremony sa Camp Crame ang matindeng babala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Nicolas Torre III na mahaharap sa mabigat na parusa ang mga opisyal ng pulisya na sangkot sa illegal gambling.

Binigyan diin din ni Torre na wala siyang sasantuhin sa mga sangkot at protector ng sugal dahil seryoso ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng “No Take at One Strike Policy.”
Tutukan natin, May kasunod pa!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.