Advertisers

Advertisers

FL LIZA ARANETA-MARCOS ‘DI NAGPATINAG SA KRITISISMO

0 22

Advertisers

FOCUS lang sa trabaho at responsibilidad si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kabila ng mga ibinabatong kritisismo laban sa kaniya.

Ilan lamang sa mga pangunahing proyekto ng unang ginang ang konstruksyon ng ng Philippine International Exhibition Center.

Kapag natapos ang proyekto, ito ang magiging pinakamalaking exhibition center sa ASEAN region na may kapasidad na kayang mag-accommodate ng hanggang 150,000 na katao.

Tuloy din ang pagganap ng Unang Ginang sa kaniyang responsibilidad at dedikasyon na tulungan ang vulnerable communities.

Ilan lamang dito ang paglulunsad ng Lab For All na isang national health caravan na ngkakaloob ng livbreng medical, dental, at diagnostic services sa mamamayan.

Bagaman madalas tinutuligsa at binabato ng kritisismo tuloy ang pagtulong ng Unang Ginang, pagsusumikap at matibay na commitment para sa mga nangangailangan.

Ang Unang Ginang ay nagtapos ng law degree sa Ateneo de Manila University at bumiyahe sa United States at nag-enroll sa graduate program hinggil sa criminal procedure sa New York University.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sa kaniyang karanasan sa public service ay isa siya sa mga nagsulong ng digital transformation.

Kabilang siya sa nag-endorso ng eGovPH app na ngayon ay napakikinabangan na ng pamahalaan at ng mamamayan.

Nakatutulong ito upang mas mapadali ang proseso sa pamahalaan, maiwasan ang fixers, at red tape.

Krusyal din ang naging bahagi ng Unang Ginang sa pagpapaganda ng Pasig River sa pamamagitan ng Pasig River Esplanade.

Ayon sa mga source sa Palasyo ng Malakanyang, “managerial in nature” ang tungkulin ng Unang Ginang sa palasyo.

Siya ay responsable sa pamamahala sa day-to-day operations at pagtitiyak na epektibo at episyente ang trabaho ng presidential household.

Aktibo rin siyang nakikilahok sa official meetings, kabilang ang pagtitipon ng mga staff sa Office of the Executive Secretary.