Advertisers
Naaresto sa pinaigting na manhunt operation ng mga awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa siyudad ng Malolos at 3 pa sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.
Sa report na ipinadala ni PLtCol. Jerome Jay S. Ragonton Commander ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company kay Acting PNP Provincial Director PCol.Angel Garcillano kinilala ang unang nadakip na suspek na si alyas Jay, 21-anyos, ng Brgy. Sumapang Matanda; at alyas Leo, ng Brgy. Guinhawa, Malolos.
Dinakip ang suspek 10:15 ng gabi, via Warrant of Arrest na may cc.no.3809-M-2025 sa kasong Murder na inilabas ng Malolos RTC Branch 77, habang si alyas Leo sa kasong Robbery.
Samantala, arestado naman sa hiwalay na operation via alyas warrant of arrest alyas Jonjon sa kasong Murder; at alyas Raffy na sangkot sa kasong Robbery sa syudad ng San Jose del Monte.(Thony D. Arcenal)