Advertisers

Advertisers

Lolo at lola makapag-aral ng libreng skills/vocational training sa Caloocan

0 31

Advertisers

Ipinahayag ni Mayor Along Malapitan na pati mga lolo at lola natin, may oportunidad na makapag-aral ng libreng skills/vocational training sa lungsod ng Caloocan.

“Ang mga Batang Kankaloo na mula 17-anyos pataas, basta kaya pa at handang matuto, pwedeng pwede po kayong mag-enroll sa Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC),” wika ni Mayor Along.

Ayon kay Malapitan na maraming kurso ang maaaring pagpilian ng mga Batang Kankaloo at sa kanilang pagtatapos, magbibigay pa ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng starter kit para makapagsimula ang mga ito ng sariling kabuhayan.



Hinikayat ni Mayor Along ang mga Batang Kankaloo, na sunggaban ang oportunidad na ito dahil sadyang inilunsad ito para sa kanila.

Maaring magtungo sa South Caloocan – CCMTC building, F. Roxas St., pagitan ng 1st at 2nd Avenue, Barangay 41; at North Caloocan – VocTech building, Doña Aurora St., corner Sampaguita St., Libis, Area A, Camarin Road, Barangay 175



Bukas ang CCMTC mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am hanggang 5:00pm, maliban kung holiday.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">