Advertisers
Mukhang kinenkoy lang ni US President Donald Trump itong si Marcos Jr.nang sabihin ng US President na isang ‘top negotiator’ ang dumalaw na pangulo ng Pilipinas.
“It’s more of an insult than a compliment”, pagdidiin pa ni Atty.Topacio.
Ito ang honest & straight forward assessment ni Atty.Ferdiinand Topacio sa ‘top negotiator’ comment ng Pangulo ng Estados Unidos na ang pinapatungkulan ay si BBM nga.
Para talagang nang- iinsulto dahil mula sa 20 percent tariff rate na ini- imposed ng US sa Pilipinas,ginawa na lamang itong 19 percent ni TRUMP sa pagmamakaawa ni Marcos Jr.
A clear 1 percent less!
Masahol pa sa ‘”consuelo de bobo” para sa bawat Pilipino.
Para kay Atty. Topacio,ang US trip na Ito ni BBM ay maituturing pang- iinsulto sa halip na pagtrato ng mabuti, maayos at parehas sa isang kaibigan at kaalyadong bansa.
Nasabi pa ni Topacio sa isang interview na baka… “Trump is referring to another favor Marcos Jr. is asking aside from the tariff discount issue being requested”.
Hindi na nilinaw ni Topacio sa interview ng broadcast journalist na si Pinky Webb kung anong pabor pa ang hinihirit ni BBM kay Trump.
Posible bang mas personal na favor ito para sa isang tao na malapit kay Marcos Jr.?
Nagtataka lamang tayo bilang mamamahayag kung bakit sa press releases ng Presidential Communication Office (PCO) ay tila sinadyang i- amplify at bigyang- diin ang ‘TOP NEGOTIATOR’ comment ni Trump kesa sa mga detalyadong resulta ng nasabing state visit.
Yung lang ba ang nakikita ng PCO na positibong bagay o nangyari sa Trump- Marcos Jr. meeting?
Speaking of President Trump,totoo bang offended kay BBM ang US President dahil nakipagkita ito nang naka- barong na gawa sa China finest silk na worth $500 thousand sa halip na suit o coat & tie (Americana).
Halata rin umano sa body language ni BBM na kabado at tensiyonado ito sa duration ng meeting nila ng US president.
May mga videos rin na nagpapakitang panay lang ang tango at pangunguyakoy (foot stamping) ni BBM sa kahabaan ng nasabing meeting.
Anu’t ano man ang katotohanan sa naging kaganapan sa nasabing state and official visit ni Dayunyor sa Pangulo ng America, hindi makakaila na mistulang basura lang ang trato at pagtingin sa atin ng mga puting unggoy na ito na binansagan nating kaibigan at kasangga.
Consuelo de bobong 1% ang ipinagkaloob na diskuwento sa taripa ng Pilipinas na numero unong kaalyado ng mga Kano sa Pasipiko.
Bukod sa Hawaii at Japan,ang Pilipinas ang isa sa napakahalagang strategic advance defense installation ng America laban sa kanilang mga potential military armed aggressors dahil sa presensiya ng kanilang military bases sa bansa.
Kung ganito ang trato ng America sa Pilipinas at ganito ka- torpe at ka- duwag ang stand ni BBM sa ganitong klaseng treatment sa atin ng mga Kano gaya nang ipinakita nitong galawan sa aktuwal na meeting with Trump, mukhang nakakahiya ito sa pandaigdigang komunidad.
Sampal din ito sa dangal at dignidad ng ating lahi.
Suma total,wala tayong buti at positibong resultang makita sa nasabing naganap na state visit.
In short,waste of taxpayers money lamang talaga.
Harap- harapan pa tayong ininsulto ng mga puting tsonggo!
Ang masakit,nakayukong tinanggap LAHAT ito ni BBM.
Isang malaking karuwagan para sa lahing Pilipino!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com