Advertisers
Hindi maubos maisip ng Ilan sa mga naging top honcho ng Philippine National Police ang hamong suntukan ng Davao City chief executive na si Baste Duterte kay PDG Nicolas D Torre – – – na sa anong dahilan niya ito ibinando sa social media ay ano ba ang motibo niya?
Ang sabi nga ng dating hepe ko sa CIDG na kalaunan ay naging Chief PNP rin noong ako’y eksaktong nag optional retirement na — si dating PDG Arturo C Lomibao, e sana lang di na pinatulan ni General Torre at sana pati huwag nang matuloy. Sa pakiwari ni Koyang Art maaring me dahilan din si General Torre lalo pa’t ibig ng huli na kung me kitain nga ang laban nila e ito’y ilaan sa pangangailangan ng mga nasalanta ng halos 3 o apat na bagyong puminsala ng maraming kabuhayan at buhay … ng flash flooding at soil erosion na sumira sa mga inprasraktura at lansangan sa halos buong kapuluan. Makatao at maka-Diyos ang dahilan ni General Torre madali’t sabi.
Itong huli, sa tuloy-tuloy na pambabaterya ng mga sumusunod sa ham unang paghahanap ng dalawa sa parisukat na lona itong Linggo ito, lumawit na rin si Baste Duterte sa social media at me c
kolatilyang hinihingi bago niya ituloy ang harapan nila: na si Torre ay sabihan si PFMJr na magpa-follicle test related to use of prohibited/banned substance/dangerous drugs ?!
Ang Koyang ninyo ay litong-lito dito sa kondisyunes ni Baste na ito!!!
si Torre ang katunggali niya at hindi si BBM?! e bakit si BBM ay nadadamay na ata?! Ang aking hinuha ay may dahilan ang city executive ng Davao City na gumawa ng paghamon at kitang kita naman ang ngitngit niya kay Torre sa ginawa nitong pagaresto sa kanyang amang si FPRRD na sa ngayo’y nakapiit sa The Hague sa the Netherlands.
Merong mga naglabasang umano’y laon nang vtr na nageensayo si Baste ng boksing, samantalang nito lang huling mga araw e si Torre naman ang nagti-training sa tulong ng isang di kilalang boxing coach. Me lumabas ding old photo si Torre na kadete ng PNPA at nalalathalang siya pala nahilig at napasama ata sa boxing team sa loob ng akademiya. Itong match na ito ay marami na ang sumusubaybay—me nagsasabi pa nga raw na dapat e pay-per-view para nga naman lumaki o tumabo ng higit pa sa inaasahang pondong pantulong sa mga biktima ng mga sunod-sunod na bagyo!
Maging ano pa man ang kahitnatnan nitong dream match na ito … lahat at may dahilan. Ang isa ay para patunayang lalaki siya at di umuurong lalo pa’t siya ay sumisimbolo sa kanyang pinagpipitagang organisasyong nakalaan sa kaligtasan at kaayusan ng mamamayan. Ang isa naman ay may ninanais na ipaghiganti ang pagkakaaresto ng ama at laan siyang makipagbangasan ng mukha o maaring hanggang magkabalian ng mga buto mairaos lang ang init ng damdamin paglalaki — at nagpapakalalaki nga silang tunay – – at publiko na ang humatol.
Ito ay labang maginoo…ang manalo o matalo ay MAGPAKA-GINOO? GOOD LUCK! (X)