Advertisers

Advertisers

MPT SOUTH NAGLUNSAD NG RELIEF OPERATIONS SA MGA APEKTADONG PAMILYA SA PALIGID NG CAVITEX AT CALAX

0 36

Advertisers

ANG Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang unit ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay naglunsad ng agarang relief operations para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad sa paligid ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Ang MPT South ay mabilis na nakipag-ugnayan sa mga local government units ng expressways’ alignment communities upang ipamahagi ang kabuuang 3,000 relief packs sa mga pamilyang pansamantalang inilikas dahil sa malawakang pagbaha. Inihayag din ng kumpanya ang plano nitong mamahagi ng tulong sa mga drivers at operators ng public utility vehicle (PUV) na bumibiyahe sapamamagitan ng CAVITEX at CALAX na ang kabuhayan at mobility ay naantala dahil sa ilang araw ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat.

“We’re more than just a tollway operator. We are part of these communities—committed partners and neighbors who show up, especially in times of crisis,” saad ni Elnora D. Rumawak, Officer-in-Charge ng MPT South. “We understand the hardships that our communities are facing, and we are here to help ease their burden.”



Ang relief initiative na ito ay bahagi ng mas malawak na dedikasyon ng MPT South pagdating sa corporate social responsibility at disaster response, na nagpapatibay sa tungkulin nito hindi lamang sa imprastraktura kundi pati na rin sa pangangalaga sa komunidad. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">