Advertisers
Ni JIMI ESCALA
AS of this writing July 28 ay marami na ang nag aabang sa SONA (state of the nation address) ni PBBM.
Siyempre, isa sa talagang inaantabayan ng lahat kung sinu ang mga taga showbiz ang rarampa sa red carpet .
Patuloy kasing dumarami ang mga nangagaling sa showbiz ang nakilahok na rin sa larangan ng pulitika .
Hindi rin naman pahuhuli sa kanilang mga kasuotan at talaga namang taun taon na lang ay kasama rin sa nakikipag talbugan ang mga showbiz politicians, huh!
Isa rin sa inaabangan ay si Heart Evangelista na talaga namang pagdating sa fashion ay isa sa tinitingala hindi lang dito sa atin kundi pati sa ibang bansa, huh!
As we all knew asawa ng kasalukuyang Senate President Sen. Chiz Escudero si Heart at maaring pipilitin ng una ang huli na isama para kahit papaano mabawasan ang pagka imbiyerna ng mga tao sa senador, huh!
Si Sen. Chiz kasi ang isa raw sa promotor kung bakit naibalik sa lower house ang impeachment ni VP Sara Duterte, huh!
True rin kaya na dahil din daw kay Sen. Chiz kung kaya hindi natuloy ang isang bagong endorsement sana ni Heart?
Well, thats another story, huh!
Back sa SONA ni PBBM, tiyak mamimis din natin ang ilang celebrities dahil ang ilan ay hindi pinalad sa nakaraang local elections,huh!
Meron din namang “no show” na sa SONA mamaya dahil hiwalay na sila na ng dyowang politician, huh!
Isa na rito ay ang magandang aktres na si Bianca Manalo.
Kabilang si Bianca sa mga Best Dress sa mga nakalipas na State of the Nation Address, huh!
Walang opisyal na pahayag pero common knowledge na matagal na silang wala ni Sen. Win Gatchalian.
At napabalita na ngayon daw ay isang former beauty queen din ang tina-target na ligawan o nililigawan na.
Pero heard din namsn mula sa isang kaibigang kongresista na wala ngang magaganap na red carpet fanfare ngayong Lunes, Hulyo 28, matapos ipag-utos ng House of Representatives ang toned-down welcoming affair bilang pakikiisa sa mga biktima ng tatlong magkasunod na bagyo na nanalasa sa bansa, huh!
Kagaya nga ng mga nagdaang mga taon sa North Wing ng House of Representatives ang red carpet kung saan pwedeng rumampa ang mga dadalo.
Pero sa totoo lang, may mga hindi susunod sa utos na ito ng HOR, tiyak pa ring may mga magsusuot ng bonggang kasuotan, huh!