Advertisers

Advertisers

Carlo Biado sasabak sa US Open

0 7

Advertisers

MATAPOS masungkit ni Carlo Biado ang makasaysayang World Pool Championship (WPC) 9-ball, ay maglalakbay ang Filipino cue artist sa United States para sa mas maraming pool aksyon.

Sa Facebook post Linggo, sinabi ni Biado ang unang Filipino na nagwagi ng WPC 9-ball titles, na sasabak siya sa Florida Open at sa US Open.

“No time for celebration. My celebration is with family is my biggest trophy in life,” paskil ni Biado sa post.

“No more long message. It’s time to rest a bit for the Florida Open and US OPEN.”

Ang inaugural Florida Open ay nakatakdang magsimula sa Agosto 5-10 sa luxurious Caribe Royale Resort sa Orlando, Florida.

May alok na $200,000 prize fund kabilang ang $40,000 o mahigit P2.2 million para sa champion.

Samantala, ang US Open ay nakatakdang magsimula sa Agosto 18-23 sa Harrah’s Resort, Atlantic City, sa New Jersey.

Ang tournament ay may nakalaang $500,000 prize fund na ang mananalo ay magbusa ng $100,000 or P5.7 million.

Pagkatapos ng Florida at US Open, pamumunuan ni Biado ang Team Asia sa Reyes Cup dito sa Pilipinas.

Ang second edition ng paligsahan na pinangalan kay Efren “Bata” Reyes ay magsimula sa Oktubre 16-19 sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.