Advertisers
TINATAYANG aabot sa P25 milyong halaga ng illegal na droga na Ketamine ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK IADITG) katuwang ang Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, NBI Pampanga at PNP, Miyerkoles ng unaga, Hulyo 30, 2025.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director, BGen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., una nang idineklara ang parcel bilang “Data Cable Roll”, subalit nang buksan ay nakita ang 6 transparent plastic pouches na naglalaman ng pulbos ng Ketamine na ginagamit din na party drugs na nagmula sa Lier Belgium at naka-address sa consignee sa Rodriguez, Rizal.
Ang kontrabando ay nasa 5 kilo at may street value P25.3 million.
Bagama’t walang nahuli na indibidwal, isasailalim sa imbestigasyon ang consignee.(Thony D.Arcenal)