Advertisers

Advertisers

“A WOLF NOT A SHEEP” SI PATIDONGAN!

0 34

Advertisers

Tinanggap ng negosyanteng si Atong Ang ang pormal na paghahain ng mga kaso laban sa kanya kaugnay sa umano’y pagkakadawit niya sa kaso ng missing sabungeros.
Ito ay kasunod nang paghahain ng mga pamilya ng missing sabungeros ng multiple counts of murder at serious illegal detention charges laban kay Ang at kanyang mga kasamahan.

Sa isang statement na inilabas sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, sinabi ni Ang na nakahanda siyang harapin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanya sa angkop na legal forum.

Nanindigan din si Ang na inosente siya at navigable laban sa testimoniya ng self-proclaimed whistleblower na si Julie Patidongan alyas Totoy na kanyang inilarawan na may depekto, pansariling interes at walang katibayan.

Ayon pa kay Ang, nagawa umano ni Patidongan na mag-level up mula sa pagiging bahagi ng robbery syndicate patungo sa pagpapatakbo ng kanyang sariling criminal network gaya ng ilegal na sugal, kidnapping, pangingikil, at pananakot, gamit ang resources at kanyang mga koneksiyon nang hindi nalalaman ng kanyang mga superior.

Sinabi din ni Ang na nang madawit si Patidongan sa pagkawala ng isang katunggali sa sabong sa Maynila noong huling bahagi ng nakaraang taon, natakot siyang mabunyag ang kanyang mga kasalanan.

Kaya ngayon, itinuturo niya ang kanyang mga superior bilang mga utak sa aniya’y isang kuwentong gawa-gawa lamang ni alyas Totoy para takasan ang kaparusahan sa kanyang mga krimen.

Sinabi rin ni Ang na nalilinlang ang publiko ng isang “lobo na nagkukubli bilang tupa” at iginiit na isang bihasang manlilinlang si Patidongan na nakikisama sa mga biktima ng trahedyang siya rin mismo ang may gawa.

Tinawag din ni Ang na kathang-isip lang ang kuwento ni Patidongan at dapat siya ang mabunyag, at malapit na aniya itong mangyari.

Matatandaan, nauna nang itinuro ni Patidongan sina Ang at aktres na si Gretchen Barretto na nasa likod umano ng pagkawala ng mga sabungero, bagay na itinanggi naman ng dalawa.

Labis lamang ang ating pagtataka na sa halip kasing manahimik itong si DOJ Sec.Boying Remulla patungkol sa controversial na kaso ng mga missing SABUNGEROS, tila ang Kalihim pa mismo ang naglalabas ng mga bias at premature comments at pahayag patungkol sa kaso.

Sa halip kasing manahimik itong si Remulla at hayaan na ang korte na dinggin ang naisampa ng kaso,putak ito nang putak at pilit na idinidiin ang grupo ni Ang.

Tila ito ” mind conditioning strategy” sa publiko para malihis sa katotohanan ang mga tunay na kaganapan sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Naniniwala tuloy tayo sa isang impormasyon patungkol sa ” blackmail” at extortion attempts ng ilang matataas na opisyales ng Marcos Jr. administration na ginagawa kay Ang at sa mga kasosyo nito sa e-sabong operations.

Ayon sa ating natanggap na impormasyon, Php5 billion ang kabuuang hinihinging halaga ng mga hindi pa kinilalang opisyal ng gobyerno kay Ang para tuluyang iabsuwelto ito sa kaso ng missing SABUNGEROS

Ayon pa sa source na isang retiradong opisyal ng Philippine National Police ( PNP),naipagkaloob na ni Ang inisyal na Php 500 million sa isang pulitiko noong Pebrero 2023 bilang advance payment sa total na hinihingi Php 5 billion pesos kung kaya’t pansamantalang nabinbin ang imbestigasyon sa kaso ng mga missing sabungeros.

Bago umano sumapit ang eleksyon noong May 2025,nagdemand na ng full payment sa negosyanteng si Ang ang nasabing pulitiko na naitalaga na ng mga panahong yaon sa isang sensitibo at maimpluwensiyang posisyon sa pamahalaan.

Hindi umano nagawang maibigay ito ni Ang ang balanse at sa halip, panibagong Php 500 million ang ipinadala nito sa nasabing opisyal makaraan ang tatlong. linggo sa pamamagitan ng nagretirong opisyal ng PNP na kaibigan ni Ang na mismong nagdeliver Ng pera.

June of 2025, sinabihan ng the same retired PNP official si Ang na tila nagkaroon ng ” double cross” at nabalitaan nito na “ibabaon” na ang negosyanteng si Ang sa kaso ng mga missing sabungeros.

Sa kabila nang isinukang Php 1 bilyon ni Ang sa extortion ring na ito na binubuo ng mga high profile government officials, gusto pa ng grupo na isuko ni Ang sa sindikato ang kabuuan ng kanyang mga negosyo at properties sa pamamagitan ng isang ” deed of donations”,agad na lumayas ang negosyante sa bansa na labis na ikinagalit umano ni Atong Ang.

Kung ang rebelasyong ito ng isang retiradong opisyal ng PNP patungkol sa extortion modus na ito laban kay Atong Ang ay may katotohanan o wala, di na tayo naghahangad o interesadong malaman pa.

Sapat nang nabigyan tayo ng complete picture at ideas sa posibleng nakapangyari sa controversial na kasong ito ng mga missing sabungeros.

Kung paanong ang male- maletang pera ang nagsaling- kamay mula sa e- sabong operations patungo sa mga sakim, gutom at KRIMINAL na opisyal ng gobyerno sa likod ng kadiliman ng gabi, lubha itong nakakabahala at nakakasindak na katotohanan!

Lider ng mga sindikato ( organized crime groups) at the same time, mga opisyal ng gobyerno.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com