Advertisers
Upang maproteksyunan ang mga batang mag-aaral, sinimulan ang simbolikong pagbabakuna ngayong araw sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo,Maynila.
Pinangunahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso , Manila Vice Mayor Chi Atienza katuwang ang Manila Health Department, Department of Health at Manila School Division.
Sa panayam kay Mayor Isko, ang Bakuna Eskwela na may hashtag na #Bakuna ISKOol ay ang pagbabakuna sa mga mag-aaral sa Grade 1,2 at 7 laban sa measles o tigdas, rubella, tetanus, dipththeria at HPV.
SInabi ni Domagoso na ang nangyaring bakunahan ngayong araw, Agosto 5 ay symbolic opening ng kampanya sa pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa lungsod ng Maynila .
Ayon pa sa alkalde, simbolo lamang ito ng mahabang paglalakbay tungo sa pagprotekta o magbibigay ng proteksyon sa mga batang mag-aaaral.
“This is a dauy we’re going to vacciante 53 thounsand more or less clients or mga batang Maynila sa lungsod lalong lalo na sa mga batang estudaynteng kababaihan –yung HPV –importante yung HPV dahil isa yan sa mga sitwasyon na paglaki ng mga kababaihan ay malaking porsiyento ang nagkakasakit tungkol diyan”, anang alkalde.
Sa kabila naman aniya ng kakulangan ng resources , masaya pa rin aniya sila sa pakikipagtulungan sa DOH para protektahan ang mga bata.
Pagdating naman sa suplay ng bakuna, sinabi ng alkalde na kapag naglulunsad ng kampanya sa isang bagay ay tinitiyak nilang sapat ang suplay kaya masinop aniyang binabantayan at ipinatutupad ng DOH at MHD.
Kasama rin sa symbolic opening ng Bakuna Eskwela #Bakuna ISKOol sina Manila First Distrct Councilor Dra. Irma Alfonso at MHD OIC Grace Padilla na nanguna rin sa pagbabakuna sa mga bata(.Jocelyn Domenden)