Advertisers
Kamakailan sinalabong ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang imahen ng San Roque na bumisita sa city hall at kinumusta rin nito ang mga aplikante sa isinagawang Mega Job Fair.
Personal din nagpasalamat si Mayor Malapitan sa mga volunteers na nagre-repack ng mga donasyon para sa mga apektado ng nakaraang kalamidad.
Tinanggap din ng pamahalaan lungsod ang ilang mga kabarangay ng Caloocan, kabilang na ang mga residente ng Sucaban, Barangay 165 para hanapan ng solusyon ang kanilang problema sa kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.
Pinangunahan din ni Along ang panunumpa ng ilang bagong talagang punong barangay at kagawad.
Tinanggap ni Mayor Along ang mga donasyon mula sa EM-AMEN Communicator’s Inc. kamakailan kasunod ng pakikipagpulong sa Department of Labor and Employment-CAMANAVA Field Office para sa karagdagang tulong at hanapbuhay na kanilang ibibigay sa ating mga kababayan.
Personal din nakaharap ni Malapitan ang anak ni Gng. Rebecca Andrade, isa sa mga nasawing pasahero ng sasakyan na inanod sa baha noong kasagsagan ng mga bagyo.
Naging produktibo rin ang pakikipagpulong ni Malapitan sa mga kinatawan ng St. Gabriel Parish para sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kapistahan.
Bago nagtungo si Mayor Along sa pamamahagi ng relief packs sa Barangay 14, nakipagpulong muna ito sa University of Caloocan City Board of Regents kung saan tinugunan nito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga faculty at mga estudyante.
“Mga Batang Kankaloo, palagi po nating tinitiyak na produktibo tayo sa bawat araw, nasa city hall man po tayo o nag-iikot sa mga iba’t-ibang barangay sa Caloocan.(BR)