Advertisers
Nakipagpulong si Caloocan Mayor Along Malapiran sa mga pinuno ng iba’t-ibang departamento ng pamahalaang lungsod upang tiyakin na nasa iisang direksyon ang kanyang administrasyon.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mabilis na renovation ng Caloocan City Medical Center (CCMC) at ang mga pangmatagalang solusyon sa pagbaha.
Agad pinaaksyunan ni Mayor Malapitan sa mga department head ang mga reklamo at hinaing ng kanilang mga kababayan.
“Mga Batang Kankaloo, asahan niyo po na patuloy na magkakaisa ang buong pamahalaang lungsod upang mapagsilbihan kayo nang tapat at maayos,” wika ni Malapitan.(BR)