Advertisers

Advertisers

Ramon Ang tutulong sa pagresolba ng mga pagbaha sa Metro Manila

0 17

Advertisers

Boluntaryo at libreng tutulong sa pagresolba ng mga pagbaha sa Metro Manila ang San Miguel Corporation.



Ito ang inanunsiyo ni San Miguel Corp. CEO Ramon S. Ang ngayong araw ng Biyernes, Agosto 9, 2025 sa head office ng San Miguel Corp. sa Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Ang, libre silang tutulong sa paglinis ng mga ilog sa Metro Manila na siyang nagiging sanhi ng mga pagbaha.

Matapos aniya ang kanilang imbestigasyon sa Commonwealth Avenue, matapos siyang tawagan ng Malacañang kaugnay sa nangyayaring pagbaha sa MRT-7, nadiskubre nila na barado ang isang maliit na drainage sa Commonwealth Avenue.

Hinahanap din nila kung bakit mabagal pa rin ang pagdaloy ng tubig, kung saan nadiskubre na tatayuan umano ng mahigit isang kilometro ng kalsada ang Tullahan River, na siyang pangunahing drainage ng La Mesa Dam.

Hinimok din siya ni MMDA Chairman Don Artes na tumulong na sa paglinis, ngunit sinabi ni Ang na hindi aniya ito magagawa nang walang permiso mula sa mga awtoridad ng pamahalaan.

Dumalo naman ang ilang alkalde ngayong araw sa pulong-balitaan gaya nina Manila Mayor Isko Moreno, Las Piñas Mayor April Aguilar, Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, at iba pa upang talakayin ang naturang rekomendasyon.(Jocelyn Domenden)