Advertisers

Advertisers

6 INDIBIDWAL NAARESTO SA DROGA SA SAN MATEO RIZAL!

0 64

Advertisers

ANIM katao ang naaresto at 84 gramo ng umano’y shabu ng nasamsam sa magkakahiwalay na buybust operation sa San Mateo Rizal.



Unang nadakip sa operasyon sina alyas Elboy at King at nakumpiska dito ang 42 gramo ng pinaniniwalaang shabu at nagkakahalaga ng P285,600.00 sa Brgy., Sto Niño.

Habang sina alyas Michael 40-anyos, alyas Malou, 48, Jojie at “Utching”-43- anyos kapwa ng Brgy., Banaba sa nabanggit na bayan.



Narekober sa mga ito ang 42.20 gramo ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P286,960.00, iba’t -ibang drug paraphernalia, weighing scale, gunting, plastic sachet, aluminum foil, lighter, cellphone at buybust money.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell, habang dinala naman sa Rizal Crime laboratory ang mga ebidensya para sa eksaminasyon. (Edwin Moreno)