Advertisers

Advertisers

‘HULI-BAWI’ SA CUSTOMS?

0 7,038

Advertisers

BAGO ang lahat, binabati natin si retired police major general Undersecretary Gilbert Cruz, ang matikas at makisig na executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Nalaman kasi natin na kabilang pala itong ating kaibigan ‘of many years,’ wika nga, sa mga natatanging ginawaran ng ‘Break All Chains Award’ nitong Hulyo 31 mula sa ‘Inter-Agency Council Against Trafficking’ ng Department of Justice (DOJ-IACAT).

Sadyang ‘deserving’ si Usec. Gilbert dahil ‘appreciated’ ng lahat ang mahalagang papel ng PAOCC at mga tagumpay nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa ‘human trafficking.’
Take note: kaya “nahubaran” ang mga krimen sa operasyong POGO—human at drug trafficking, money laundering, murder, torture, etc.– ay dahil sa mga tagumpay ng PAOCC sa ilalim din ng mahusay na paggabay ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Kasama rin ang hanay ng Philippine National Police Academy Alumni Association (PNPAAA) sa nagalak sa parangal ng IACAT, kung saan siya ang pangulo.

“Produkto” ng PNPA Class of 1986 si Usec. Gilbert at sa ganang atin, “pangalawa” si PNP Chief Nicolas Torre kay Usec. Gilbert sa pruweba na kayang “talunin” ng mga ‘PNPA graduates’ ang kanilang mga “kabaro” sa Philippine Military Academy (PMA) kung serbisyo din lang ang pag-uusapan, tama ba ang “kamada,” ko, mga kabayan, hehehe.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Nitong nakaraang linggo, nanalo naman sa isang ‘international shooting competition’ sa Finland ang anak na lalaki ni Usec. Gilbert! Aba’y ‘congrats’ din sa iyo Mac Cruz! Siguradong ‘very proud’ sa iyo ang iyong pinagmanahan na siyempre pa ay iyong minamahal na Mommy, hehehe!
***
Dapat paimbestigahan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno at Intel Depcomm RR Rosales ang umano’y diskarteng “huli-bawi” ng ilang mga operatiba ng Aduana.

Totoo kayang pinapayagan ang mga may-ari ng mga nakumpiskang produkto na “sumabay” ang kanilang mga ‘truck’ sa mga ‘haulers’ ng BOC kapag “hinahakot” na ang mga nakumpiskang produkto mula sa mga na-raid na warehouse? Para daw “mailigtas” ang mga ‘high-value items,’ ganern?

Sabagay nga, kanya-kanyang gimik lang ‘yan, hehehe!

Abangan!