Advertisers

Advertisers

Joshua pansin ang kapayatan sa serye nila ni Anne

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

TRENDING ang kuhang larawan nina Charo Santos at Hyun Bin, ang bida sa Crash Landing On You.

Flinex ng beteranang aktres at former president ng ABS CBN ang kanilang larawan na dalawa kung saan kinainggitan ng maraming fans ng Korean actor.

Ang caption ng beteranang aktres, “Crash landed into this moment I’m so happy to finally meet you Hyunbin!”

Makikita ang grabeng reaksyon ng ginagalang na Kapamilya executive, talagang hindi niya itinago ang kanyang pagka-fangirling kay Hyun Bin.

Dinaig pa niya ang isang teenager na kilig to the max nang kuhanan sila ng picture dahil may pahawak pa sa kamay ang dalawang personalidad.

Daming inggit sa kuha nilang iyun.

Aba, maging ang celebrities ay Hindi maiwasang mainggit sa pangyayaring iyon kay Ms. Charo.

Isa na rito si Piolo Pascual na tila hindi nagustuhan ang kuha nilang larawan ni Hyun Bin.

Hindi tuwa ang reaksyon ni Papa P kundi wasak ang puso sa pagkikita nina Charo Santos at Hyun Bin

BASAG ang puso ni Ultimate Leading Man Piolo Pascual sa pagkikita ng award-winning actress na si Charo Santos at Korean superstar Hyun Bin.

Broken hearted emoji ang reaksyon ni Papa P sa larawan.

Talagang sinamantala ng veteran actress at dating presidente ng ABS-CBN ang pagkakataong makalapit at maka-selfie sa super sikat na aktor.

Bago pa maganap ang fan meet ni Hyun Bin sa Pilipinas, nag-post na si Charo ng video sa kanyang TikTok account tungkol sa pagiging avid fan ng South Korean star.

“Hindi ako madalas fangirl, pero hindi ko napigilan. Si Hyun Bin, ang No. 1 Oppa ko, noon at ngayon!” aniya sa caption.

Heto ang komento ng ilang celebrities:

Christine Bersola: “I’m so happy and kilig for you Ninang. Saw you last night & feel na feel ko ang iyong kilig kay Capt. Ri!”

CS: “I’m sure ikaw din!”

Sey naman ng isang commenter, “hahaha love ko yung may pa holding hands”

CS: “wag nang magpaliguy ligoy”

Ang sagot naman niya sa heart broken emoji ni Papa P.

“@piolo_pascual I LOVE YOU PIOLO! with three hearts emoji”

Si Shaira Diaz na ikakasal na lang kay EA de Guzman sa August 14 sa Silang Cavite, ay walang nagawa kundi ang ngumawa ang komentong naibigay. Hahaha

“Mam Charo yung kamay nyo po. Paki lang… Hahaha”

“I’m super kilig for you. Nagselos tuloy si @piolo_pascual”

Ayon pa sa isang post ni Ms. Charo, “CLOUD saved me during the pandemic in more ways than one. I’ll admit it! I became a mega fangirl and dreamed of meeting Captain Ri one day.

” Five years later, I finally met my oppa”

Pinasalamatan din niya si Martin Nievera na siyang may sala ng lahat hahaha.

“Big thanks to @martinnievera not just for the photo, but for making it happen! ”
***
JOSHUA PANSIN ANG KAPAYATAN SA SERYE NILA NI ANNE

NAPANSIN ng seryegoer ang character ni Joshua Garcia sa It’s Okay Not To Be Okay.

Sobra na raw kasi ang kapayatan ni Joshua bilang si Patrick sa IONTBO.

May nagkomento pa nga: “Pangit ang may balbas paahit ka na”

“Jusko yung mga nanlalait kay idol ang papangit.. Hahaha”

Well, binabagay lang siguro ng IONTBO team ang karakter ng actor sa teleserye nila ni Anne Curtis, ang bida sa K-drama Pinoy adaptation.

Hindi lang kasi medyo pinatanda si Joshua sa serye dahil kung gagawing fresh ang kanyang hitsura magiging masyado na siyang alangan para sa lead actress na si Anne.

Parehong seryoso ang karakter nila sa serye which is akma kay Anne dahil matured na rin naman ang face niya, but still ang strong beauty niya ay naroroon pa rin.
***
FYANG SMITH NAG-I LOVE YOU KAY JM AFTER MAGBIGAY NG BIRTHDAY MESSAGE l

KINILIG ang fans nang magbigay ng birthday message si Fyang Smith sa ka-loveteam na si JM Ibarra.

After kasi ng mensahe ni Fyang ay nag-I love you siya sa actor.

Ani ng kanilang fan: “nakakaiyak naman bebegirl. Tapos may “I love you” pa hirap umiyak habang kinikilig.”

Ang isang fan na may edad na ay nagkomento, “Happy birthday JM sa idad kung 53 ngayun lang ako nagkagusto sa love team kyo ni fyang lagi ako na nood fbb dahil sainyo fyang hanggang paglabas ninyo at dadating pang panahon love na love ko kayo dahil totoong pagka tao ninyo”

“Grabe , yung kilig ni jm grabe yung ngiti hayst silent supporters lang ako mahal ko kayo lagi”

“Happy birthday JM ! Continue to love and respect one another.. God bless both of you”

“Happy birthday John Mark proud km sau at kahit di ka namin nakikita dito sa Mauban madalas still fan at supporters mo km Jmfyang forever”

“Yes mga che nkakaiyak pero msaya n din ako dhil narinig ko na Ang I love you”

“Ako lang ba yong nanonood na nakasmile but teary eye? Kayo na talaga ang kumokompleto sa araw ko. Babies #jmfyang hanggang dulo.”

“Fyang wala nang bawian ha.. Kayo na talaga ni JM”.