Advertisers

Advertisers

Ermat wag idamay ng DDS sa galit kay Vice

0 37

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DINAMAY ng mga taga-suporta ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang nanay ni Vice Ganda na si Nanay Rosario Viceral sa galit nila sa komedyante.

May mga nag-aakusa kay Nanay Rosario na hindi raw niya napalaki nang maayos ang kanyang anak at hinahayaan lang daw nito na bastusin at gawing katatawanan ang dating presidente na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands.

Hndi raw makatarungan ang ginawang pang-ookray ni Vice kay Duterte sa “Super Divas” concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last August 8 at 9.

Ang nangyari, sa isang production number, kumakanta si Regine ng chorus ng Hold My Hand ni Jess Glyne, ang sikat na background music ngayon na ginagamit sa TikTok para sa viral “Jet 2 Holiday”

Kasunod nito, bigla ngang umapir sa stage si Vice at ginawa itong “Jetski Holiday.”

“Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC.

“Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag ninyo akong subukan, mga put*** ina n’yo!” hirit ni Vice na inalmahan nga ng mga DDS at pati nga ang ina nito ay nadamay na nga.

To the rescue naman ang kaibigan ni Vice na si Pokwang. Nanawagan at nakiusap ito sa mga DDS na itigil na ang pamba-bash kay Nanay Rosario dahil wala naman daw itong kinalalaman sa isyu.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, sabi ni Pokwang, “Wag naman po tayong ganyan! Kung may na offend man sa joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or politiko ang kanyang ina.”

Patuloy pa niya, “Kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na naba-bash kami kahit minsan masakit, wag naman si nanay Rosario please.”

***

Kathryn vs Marian sa Famas best actress

INANUNSYO na ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang mga nominado para sa awards night nila na gaganapin sa August 22 sa Manila Hotel

Ang last year na hinirang na Best Actress sa FAMAS na si Kathyn Bernardo ay nominado ulit para sa nasabing kategorya para sa pelikulang pinagtambalan nila ni Alden Richards na Hello, L,ove, Again.

Ang tanong, mag-back-to-back Best Actress kaya si Kathryn sa FAMAS o iba na ang papaboran ng mga miyembro ng nasabing oldest award-giving body?

Makakalaban ni Kathryn sa Best Actress category sina Marian Rivera (Balota), Julia Montes (Topakk), Rebecca Chuanunsu (Her Locket), Ara Mina (Mamay) at Judy Ann Santos (Espantaho).

Ang Best Actor nominees naman ay sina Dennis Trillo (Green Bones), Vice Ganda (And The Breadwinner Is…), Arjo Atayde (Topakk), Alden Richards (Hello, Love, Again), Kelvin Miranda (Chances Are, You And I), at Aga Muhlach (Uninvited).

Dalawang best actor trophy na ang naiuwi ni Dennis dahil sa mahusay niyang pagganap sa Green Bones. Una ay sa MMFF 2024, at ang ikalawa ay sa The Eddys.

Siya rin kaya ang palaring magwagi sa FAMAS? ‘Yan ang ating aabangan.