Advertisers
Ni Archie Liao
HANGGANG ngayon ay kinukuyog pa rin ng DDS supporters si Vice Ganda pagkatapos niyang pagtripan si FPRRD sa kanyang two-night concert.
Poot na poot pa rin ang mga die hard na tagasuporta ng dating pangulo dahil na-offend sila sa mga jokes ng “It’s Showtime” host.
Katunayan, may mga lumutang nga umanong petisyon na gawing persona non grata si Meme sa Davao at sa mga kaalyadong lugar na baluwarte ni Digong.
Sa pamba-bash kay Vice ay nadadamay pati ang kanyang inang si Nanay Rosario.
Aware kasi ang bashers na isa sa kahinaan ng komedyante ay kapag binabanatan na ang mga mahal niya sa buhay.
Sa kanya namang X social media account, ipinagtanggol si Vice at ang kanyang nanay ng komedyanang si Pokwang.
Hirit niya, sana raw ay huwag idamay sa galit ng mga DDS supporters si Nanay Rosario.
Tweet ni Mamang: “Wag naman po tayong ganyan! Kung may na offend man sa joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista o politiko ang kanyang ina.”
Dagdag pa niya, bilang mga public figure, sanay na raw sila sa bashing, pero dapat daw ay ilayo sa gulo si Nanay Rosario.
Isa namang netizen ang nagkomento at sinumbatan si Vice na minsan umanong trinato nang mabuti ni Digong.
Hirit ng netizen: “Never Forget na buong pagmamahal sya. Greet ni PRRD nung Bday at puro magagandang salita Ang narinig Nya sa Presidenteng 80 years old !!!”
Tugon naman ni Pokwang sa netizen: “Im sure di naman nya nalilimutan yan pero yung idamay natin ang nanay na hindi naman artista or politiko e maling mali po, hindi naman si nanay Rosario nagsulat ng script ni meme or nag utos sa kanya na ganon ang i joke nya!”
Bagama’t may mga sumasang-ayon kay Pokwang ay marami ring bumabatikos talaga sa ginawa ni Vice sa paglalaro nito kay Digong.
Dahil dito, muling naungkat ang tungkol sa rape jokes ng komedyante kay Jessica Soho sa kanyang concert na naging malaking isyu noon kahit humingi na ng apology sa award-winning broadcaster si Meme.
****
25 Abbey, naglunsad ng logo making contest
NANAWAGAN ang grupong 25 Abbey sa lahat ng creatives (graphic designers, artists, o lahat ng interesadong lumahok.)
Naglunsad kasi ng logo making contest ang nasabing banda.
Para sumali, i-like lamang o follow ang 25 Abbey sa lahat ng social media platforms at i-share ang post.
Mangyaring mag-submit ng logo design sa 25abbeymusic@gmail.com
May cash prize na limang libong piso ang magwawagi at libre tickets sa kanilang next gig.
Ang deadline sa pagsusumite ng entries ay sa Agosto 19, 2025.
Ang mananalong kalahok ay pipiliin ng banda at ni Champ Lui Pio.
Ang promising young band ay binubuo nina Alexandra Dheniece, (vocalist), Ronan Bergado (rhythm guitarist and songwriter), Guiseppe David (lead guitarist), Cedric Andal (bassist) at Tyrone Nebiar (drummer).
Puwede silang sundan sa Facebook: facebook.com/25abbeymusic, Instagram: instagram.com/25abbeymusic at TikTok: tiktok.com/@25abbeymusic